Chapter Four

1.1K 35 0
                                    


As what my dad's want, hinawakan nga ni Jacob ang isa sa mga hotel and restaurant namin. Siya ang humawak sa isang branch ng hotel namin sa Tagaytay. Isinama niya ako sa mall show niya sa Isabela, pero hindi kami magkasama sa sasakyan ayon na rin sa kagustuhan ng manager niya. Dalawang bodyguard lang din ang isinama ko.

" Hindi nila kayo pwedeng makitang magkasama. Magkakaroon ng issue si Jacob." Paalala ng baklang manager ni Jacob sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay na siyang ikinaputla niya.

" Don't worry, hindi ako lalapit kay Jacob. May iba akong pakay dito sa Isabela kaya wala kang dapat ipag alala." Sabi ko.

" Pasensiya ka na. Hindi kasi nabanggit ni Jacob na isasama ka niya kaya nagulat ako ng makita kita. Alam mo naman na-

" I already told you right? Is that really hard to understand? I dont have time to talk to you. Pakisabi na lang sa kanya na may pupuntahan lang ako sandali." Sabi ko saka na ako mabilis na umalis.

Sumakay ako sa kotse at inutusan ko ang driver ko na puntahan ang address kung saan ko nakita si Mommy.

" Ruel, bumaba ka at magtanong ka kung kilala ba nila ang babaeng nasa picture." Utos ko sa bodyguard ko. Saka ko inabot sa kanya ang litrato ni mommy.

Bumaba ang bodyguard ko at nagtanong sa mga tao don. Ilang minuto lang ang bumalik na siya sa kotse.

" Mam kilala daw po nila. Amira De Leon daw pangalan." Sabi ni Ruel.

So, hindi na pala niya ginagamit ang apelyido ni Daddy.

" Nalaman mo ba kung saan nakatira?" Tanong ko.


" Opo mam. Yung red gate daw po na yon." Sabi ni Ruel sabay turo sa isang gate na hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.

Gusto kong makita ang mommy ko. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako binalikan. Pero natatakot ako. Natatakot kong marinig ang rason niya.

" Puntahan po ba natin mam?" Narinig kong tanong ni ruel.

" ipark nyo ang sasakyan sa tapat ng bahay niya." Utos ko.

Umusad nga ang kotse. Nang huminto ito sa harap ng bahay ay tumingin ako. Isang simpleng bahay lang ito. Gawa sa bato pero simple lang. Ipinagpalit ni mommy ang buhay na meron siya sa piling ni daddy para mamuhay ng simple pero malaya. Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse.

Si Erriel!

Anong ginagawa ni Erriel dito?


"Uuwi ako ng probinsiya namin sa Weekend. May sakit kasi ang Mama ko."

Naalala kong sinabi sa akin ni Erriel yon nung isang araw. Kaano ano niya si Mommy? Si Erriel ba si Erin?

Muling kinatok ni Erriel ang bintana. Wala sa loob na ibinaba ko ang salamin ng bintana ng kotse.

" Sabi ko na nga ba at ikaw yan e. Kilalang kilala ko ang mercedez benz mo no! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

" Naligaw lang kami. Dito pala ang probinsiya nyo?" Pagsisinungaling ko.

" Oo. Halina muna kayo sa loob. Mainit dito. Para din makilala mo si Mama." Anya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko.

" Pagbigyan mo naman na ako. Alam kong masungit ka pero wala akong pakialam. Sanay na ako sayo. Halika na." Pangungulit niya sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung bababa ba ako o hindi. Pero bakit gusto kong pagbigyan si Erriel?


Tame The Heiress HeartWhere stories live. Discover now