Chapter 50

1K 31 0
                                    

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kina Joaquin at Natalia ng makauwi kami sa Canada. Iyak naman ng iyak si Yaya.

"Diyos kong bata ka! Anong pumasok sa isip mo at lumusob kang mag isa ha?!" Si Yaya.

"Yaya, okey na ako. Tapos na ang kasamaan ni Arlene."

Muli akong niyakap ni Yaya. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganon na lang ang pag aalala niya sa akin. She's with me since i was born. Mas matagal ko pa siyang nakasama kesa kay mommy.

Ibinaba ko na sa crib ang mga anak ko. Nagulat ako ng biglang may mga suminding pixie lights sa loob ng bahay namin. Tumingin ako kay Mommy pero nagkibit balikat lang ito.

Maya maya pa ay lumabas si Jacob na may dalang bouquet of flowers.. sunflowers.

"Jacob?"

"Ayoko ng sayangin pa ang pagkakataong ito. Alam kong napakarami mong hirap na pinagdaanan. Ilang beses mo na ring tinanggihan ang tulong ko dahil ayaw mo akong madamay. But from now on hindi ko na hahayaang humarap ka sa mga pagsubok na yon na hindi mo ako kasama. We're already married, but i want to marry you again my love.. Yung bukal sa puso mo at hindi dahil lang sa kagustuhan ng daddy mo."

Nag uunahan ang mga luha ko na tumulo sa pisngi ko.

"Will you marry me again, my love?"

Tumango ako at hindi napigilan ang paghikbi. "Yes. I will marry you over and over again my love."

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko. Isinuot nya sa palasingsingan ko ang isang singsing na may diamond. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at muling niyakap.

Lumingon ako kay mommy at yaya, nilapitan nila ako at niyakap din nila.

"I am happy for the both of you." Sabi ni mommy.

"Dont worry mom, i will never leave you. Dito kami titira ni Jacob." Sabi ko.

Hinawakan ni mommy ang mga kamay ko. Saka siya tumingin sa akin.

"Walking distance lang ang bahay ni Jacob dito. Sino pa ang titira don kung hindi kayo.  Dont worry about me anak, nandiyan naman ang daddy mo para samahan ako dito sa bahay."

Tumingin si Mommy sa likuran ko, marahan akong lumingon sa likuran ko at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong nakaupo sa isang wheel chair.

"D... Dad?"

Nakatingin sa akin si Daddy, ang mga mata niyang dati na kay bagsik tumingin ay napalitan ng maamong mga mata.

"Eunice..."

Iniangat niya ang kanang kamay niya at iniaabot sa akin. Tumingin ako kay Jacob na nasa likuran ng wheelchair ni daddy. Tinanguan ako ni Jacob.

Marahan akong naglakad palapit kay daddy. Inabot ko ang kamay niya. Mahigpit na hawak ang ginawa ni daddy sa kamay ko. Idinala niya ito sa pisngi niya. Nagulat ako ng biglang humagulgol ng iyak si Daddy. For the very first time, ngayon ko lang siya nakitang umiyak!

"Im sorry iha! Im so sorry for manipulating your life! Patawarin mo ako kung pinalaki kitang masamang tao. Yun lang ang alam kong paraan para hindi ka malamangan ng iba! Para hindi ka nila masaktan! Pero hindi ko naisip na ako pala ang nananakit sayo! Na ako pala ang maglalagay ng buhay mo sa peligro!"

Tumulo din ang mga luha ko sa mga narinig ko kay daddy. Ibang iba siya sa daddy na nakalakihan ko. Siguro nga ay ganito siya non bago pa siya iwan ni mommy.

"Natakot lang ako na pati ikaw mawala sa akin anak kaya mas pinili kong maging strikto sayo. Im so sorry Eunice! Im sorry!"

Umupo ako sa harapan ni Daddy. "Dad dont blame yourself. Pinalaki mo lang ako sa paraang alam mo ay tama. Raising me the way you want me to be was a good help for winning the battle between our enemies. Let's just forget the past, daddy."

Tame The Heiress HeartWhere stories live. Discover now