CHAPTER 36

957 30 0
                                    


Halos araw araw nagpupunta doon si Jacob para kausapin ako pero tumanggi akong harapin siya. Ngayon na ang araw ng balik namin sa Canada, maaga kaming umalis ng Isabela dahil hapon ang oras ng flight namin pabalik ng Canada.

Habang nasa biyahe kami ay kinausap ako ni Mommy. Halos hindi nila ako makausap ng matino nitong mga nagdaang araw. Madalas akong magkulong sa kuwarto ko.

"Anak, alam kong hindi ka pa handang magkuwento sa akin ngayon. Alam kong sariwa pa ang sugat, pero sa nakita kong pagpupumilit ni Jacob para kausapin ka at magpaliwanag siya alam kong mahal ka niya."

Hindi ako kumibo. Tumingin ako sa may bintana ng van na sinasakyan namin. Naramdaman ko ang paghawak ni mommy sa mga kamay ko. Tumingin ako doon.

"Malaki ang pagkukulang ng daddy mo sa akin pero pinili kong intindihan siya, nung umalis ako, doon ko narealized na mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng mga pagkukulang niya sa akin. Gusto kong bumalik pero mas pinili ko na lang na lumayo dahil ayoko ng maulit pa ang sakit na naramdaman ko. I know deep inside your heart you still love Jacob but you refused to admit it on yourself."


"I dont want to talk about Jacob, mom. My decission is final."


Buntong hininga na lang ni mommy ang narinig ko at hindi na niya ako muling kinulit pa. Nakarating na kami sa Airport. Pagbaba namin sa van ay tumunog ang cellphone ko. Unknown number yon.

"Hello. Who's this?"

"Sa police station po ito mam. Nakatakas po si Ms. Arlene Reyes."

"What?!"

Pagkasabi ko non ay may van na huminto sa harapan namin at nagsibabaan ang mga armadong lalake. Mabilis akong hinablot ng lalake.

"Eunice!"

Nagsigawan na ang mga tao. Tinutukan ng baril ng mga armadong lalaki sina mommy.

"Bitiwan nyo ako! Mom!"

"Bitawan nyo ang anak ko!"

Nagpupumiglas ako sa mga lalakeng may hawak sa akin. Tinakpan ng isa ang ilong ko ng panyo. Unti unti akong nawalan ng malay.


Nang magkamalay ako ay nasa isang abandonadong gusali ako. Nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuang bakal na kinauupuan ko.

Nakaramdam ako ng matinding takot. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, wala akong makitang tao. May idea na ako kung sino ang gumawa nito sa akin. Si Arlene. Nakatakas siya sa kulungan at ito na ang banta niyang ganti sa akin.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Pumasok si Arlene kasama ng apat na lalake.

"Oh! The heiress of the Montefalco's Chain of Hotel and Restaurant is already awake! Kumusta ang tulog mo, mahal na tagapagmana?"

Naalala ko sina mommy. "Nasaan ang mommy ko?! Ang kapatid ko?! Anong ginawa mo sa kanila?!"

"Hindi namin nakuha ang mommy mo dahil nagsilabasan na ang mga security guard don sa airport kanina e. Sayang, sana buo ang family nyo. Makakasama nyo na sana ang walanghiya mong ama!"


Tumingin ako kay Arlene. "Masama kang tao Arlene, pero alam mo bang buhay si Jacobo Zalameda? At sa mga oras na to, hinahanap ka na rin ng anak niya."

Nagulat siya sa narinig. "Patay na si Jacobo! Nasisiraan ka na ba ng bait ha?!"


"Kitang kita ng dalawang mata ko si Jacobo Zalameda! Dapat ay ibubuko ka na niya kay Daddy, pero inunahan mo siya. Tinanggalan mo ng break ang kotse niya gaya ng ginawa nyo sa kotse ni Attorney Ledesma! Pero hindi ka pa rin nanalo dahil hindi naman si Ledesma ang tunay na attorney ni daddy!.


Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon