CHAPTER 33

996 32 1
                                    

Maayos naman ang mansiyon, napanatili parin ni Tita Selena ang kaayusan nito. Malinis din ang kuwarto ko ng pumasok ako dito. Pumasok ako sa walk in closets ko at tinungo ko ang pinto ng Jewelry room ko. Wala pa akong lakas ng loob na buksan ito.

Naalala ko ang banta ni Arlene sa akin. Kailangan kong maghanda dahil utak kriminal si Arlene. Kayang kaya niyang makatakas lalo na at hindi pa siya nasisintensiyahan at hindi pa siya naililipat sa koreksiyonal.

Naalala ko ang annulment papers na kinuha ko ulit sa attorney. Lumabas ako ng walk in closets at kinuha yon sa kama. Pinirmahan ko na ang mga yon. Desidido na akong wakasan ang pagiging mag asawa namin ni Jacob para naman mapakasalan niya na si Nadine.

Kinuha ko ang bag ko at binitbit ko ang folder. Nagdrive ako gamit ang kotse ko dito sa mansiyon. Nagpunta ako kina Jacob. Pinapasok ako ng katulong niya. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay niya. Maganda ang pagkakagawa nito. Mukhang kasing tanda na din ito ng mansion namin.

"What are you doing here?!"

Tumayo ako ng lumapit sa akin ang mommy ni Jacob.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Pagkatapos ng ginawa nyo sa anak ko may mukha ka pang ihaharap sa akin?!"

"I know we don't like each other the last time we met. Pitong taon na ang nakalipas tita pero ganyan pa rin ang trato mo sa akin."

"Dahil ayoko sayo! Pwede ba tigilan mo na ang anak ko!"

Kailangan kong panindigan ang pagiging dating Eunice ko. Tinaasan ko ng kilay ang mommy ni Jacob.

"Pakisabi po yan sa anak nyo. Dahil yung anak nyo ang ayaw akong tantanan. Dikit ng dikit sa akin."

Iniabot ko sa kanya ang folder.

"Anullment papers yan, napirmahan ko na. Pakisabi na pirmahan na lang niya para tapos na kami."

Nang kunin ng Mommy ni Jacob ang folder ay naglakad na ako palabas ng bahay nila. Sumakay ako sa kotse saka na umalis. Sunod kong binisita ang mga hotel namin dito sa Manila. Hindi ko kakayaning hawakan ang lahat ng ito kaya nagpasya akong ibenta na lang ang iba. Alam ko namang maiintindihan ako ni Daddy. Mas gusto kong sa Canada na lang manirahan.

Inihatid ko muna sa mansiyon ang kotse bago ako nagtaxi papuntang condo ni Tito Philip. Nandon din kasi ang kotse ni Mommy.

Inayos ko ang mga naiwan kong gamit dito sa Condo. Wala namang nawala. Matutulog na sana ako ng may marinig akong mag doorbell.

Tiningnan ko ang relo. Past 10pm na. Bigla akong kinabahan. Tahimik akong naglakad papunta sa pinto. Pinindot ko ang monitor at nakita kong si Jacob yon.

"Ano na naman ang kailangan nito?"

Binuksan ko ang pinto at pumasok si Jacob. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak. He's drunk! Inilock ko ang pinto. Nagulat ako ng pagharap ko ay nasa harapan ko na siya. Itinukod niya ang mga kamay niya sa pinto kaya nakulong ako.

"Ano na naman to Jacob? Sinabi ko na sayong ayaw na kitang makita pa ulit."

"Then why the hell you open up the door for me? You see me in the monitor right?"

Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya.

"I can see in your eyes that you're afraid. Hindi na ikaw ang dating Eunice seven years ago kaya huwag mong piliting ibalik ang dati mong pag uugali. You know what? Nagseselos ako kay Lance. Bakit kay Lance kaya mong humalakhak? Kaya mong maging masaya, pero kapag sa akin nagiging bato ka?!"

"Its because you're not him!"

Nakatitig sa akin si Jacob, maya maya pa ay napatingin siya sa labi ko. "Did he already kiss you?"

Tame The Heiress HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang