Chapter 15

999 33 0
                                    


Kinabukasan ay maaga kong pinag aralan ang takbo ng isang hotel namin sa Davao. May table ako sa kuwarto ko kaya doon ko na ginagawa ito. Tinanaw ko ang tulog na tulog pang si Jacob sa kama. Ginising ko pa si Yaya kagabi para tulungan akong iakyat siya dito sa kuwarto.

Alas otso na ng umaga pero tulog na tulog pa rin ito. Kahit nagtuturuan kami ni yaya kagabi ay ako pa rin ang napilitang magpalit ng suot nitong damit kagabi. Naiiling ako na ibinalik ang mga mata ko sa mga papeles na nasa harapan ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay napatingin ako sa kama ng bumalikwas ng bangon si Jacob. Nagtama ang mga mata namin.

" Pa...paano akong nakauwi?" Naguguluhan niyang tanong.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa papeles na binabasa ko bago sinagot ang tanong niya.

" Wala kang maalala?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kanya. Malalim ang iniisip nito at mukhang inaalala ang nangyari.

" Artista ka, sikat na singer. Dapat alam mo ang limitasyon mo. Viral ka ngayon." Sabi ko sa kanya.

Mabilis siyang tumingin sa akin.

" Viral?" Tanong niya.

" Jacob Zalameda nakita sa isang bar lasing na lasing. Marami ng hula ang mga tao tungkol sa ginawa mo. Broken hearted, binasted, break up sa iyong rumored girlfriend at family issue." Sabi ko.

Nabasa ko ang mga yon kani kanina lang. Wala naman akong nabasa tungkol sa kung paano nakaalis si Jacob doon. Naihilamos ni Jacob ang mga kamay sa mukha niya.

" Did i drive home?" Tanong niya ulit sa akin.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Ayokong sa akin magmula na ako ang sumundo sa kanya kagabi sa bar. I will just keep my mouth shut. Nag ring ang cellphone niya at sinagot niya ito. Matagal silang nag usap ng manager niya bago siya pumasok ng bathroom. Bihis na siya ng lumabas doon.

" I have to go. Madami kaming aayusin ng manager ko about sa nangyari kagabi." Sabi niya.

Tango lang ang sagot ko sa kanya. Mukhang hindi pa nasabi ng manager niya ang tungkol sa pagkuha ko sa kanya sa bar. Mabilis siyang lumabas ng pinto ng kuwarto. Napatingin ako ulit sa pinto ng marinig ko na bumukas ito. Bumalik si Jacob. Lumapit siya sa akin at yumuko siya para halikan ako sa labi.

" Mag ingat ka sa pagpunta mo sa hotel." Anya sa akin bago siya lumabas ulit ng pintuan.

Nanatili akong nakatingin sa pintuan. Ngayon ko lang narealized na ang hirap pala kapag itinatago ang relasyon. Hindi ko maipag sigawan sa buong mundo na akin na sya, na asawa ko na siya.

Nasa hotel na ako ay bukam bibig pa rin ng mga empleyado namin ang tungkol kay Jacob.

" Baka totoo yung balita sa kanila ni Mylene Roxas. Hindi ba nga ini anounce non kahapon na engaged na siya sa non showbiz boyfriend niya at kaya nagpaka lango sa alak si Jacob kahapon." Sabi ng receptionist namin sa hotel.

" Oo nga. Imposible namang co incidence lang? Rumored girlfriend niya dati yon tapos ibinalitang ikakasal na. Mukhang mahal na mahal pa ni Jacob." Sabi pa ng isa.

" My God! E hindi naman kagandahan yong Mylene na yon noh! Mas maganda pa nga si Miss Eunice don e. Kahit laging dark ang make up. Diba?" Sabi niya sa mga kasamahan niya.

Seryoso sila sa pinag uusapan nila kaya hindi nila namamalayan na nandon ako malapit sa kanila. Totoo kaya ang sinasabi nila? Mylene Roxas? Siya yung isang sikat ding singer. Kung kahapon lang lumabas ang balita tungkol sa pagiging engaged nito malamang tama nga ang hinala nila na dahil doon kaya naglasing si Jacob.

Tame The Heiress HeartWhere stories live. Discover now