CHAPTER 27

934 31 2
                                    


Hindi ko na nakita ulit si Jacob pagkatapos ng dinner na naganap sa bahay. Si Matthew ang madalas don para kunin ulit ang loob ni Erin at Celine. Kaswal lang ang pkikitungo ni Celine sa ama. Mas close pa nga siya kay Lance kesa sa ama niya.

"Eunice may ginagawa ka ba anak?" Tanong ni Mommy.

Bisperas ng kasal nila Erriel at Rob kaya busy ang lahat.

"Wala naman po mommy. May iuutos ka po ba?"

"Oo sana. Yung mga inorder na souvenir ng pinsan mo nakalimutan daw nilang ipakuha kanina."

Tumango ako kay Mommy. "Alam ko doon mommy. Papasama na lang ako kay Lance."

"Wala si Lance e. Kasama ni Matthew, may pinuntahan yata sila."

"Ako na lang po mommy."

Kinuha ko ang bag ko at susi ng kotse.  Paalis ako ng dumating ang kotse ni Matthew.

"Where are you going?" Tanong ni Lance sa akin na bumaba sa kotse ni Matthew.

"May inuutos lang si Mommy."

"Samahan na kita. Ako na ang magdrive."

Bumaba ako ng drivers seat. May humintong kotse malapit sa amin. Bumaba doon si Jacob. Lumapit siya sa amin.

"Jacob!" Masayang bati ni Lance.

"Ikaw pala ang Lance na sinasabi nila." Sabi ni Jacob saka tumingin sa akin.

"Nabanggit pala nila ako sayo. Kumusta na? Huli tayong nagkita nung graduation natin nung collage. Bakit tumigil ka na sa career mo sa showbiz at bigla ka na lang lumubog?"

Tumingin sa akin si Jacob, nag iwas naman ako ng tingin.

"Something came up kaya isinakripisyo ko ang career ko. Mukhang may lakad kayo?"

"Ah, oo. Sasamahan ko itong si Eunice. Kilala mo na ba siya?"

Tumingin ulit si Jacob sa akin.

"Of course. Kilala ko na sya noon pa. Noon pang panahong kinatatakutan pa siya."

"Lance let's go."

"Sige pare mamaya na lang pagbalik namin."

Tinapik ni Lance sa balikat si Jacob. Sumakay na ako sa passenger's seat at pinaandar na ni Lance ang kotse.

"Magkakilala pala kayo ni Jacob." Tanong ni Lance.

Tumango ako. "Kayo magkakilala din pala. Kaibigan siya ni Rob kagaya ni Matthew."

"He's my classmate in collage. Mabait na tao yon. Maganda ang boses kaya nakuha maging singer. May nobya siya nong kolehiyo kami. Taga Cebu din gaya niya."

Napatingin ako kay Lance. "Kilala mo girlfriend niya noon?"

"Si Nadine Rivera. Classmate din namin sa Kursong HRM. First year collage pa lang kami niligawan niya na yon, pustahan lang nung una tapos tinotoo na niya. Hanggang makagraduate kami nobya niya. Pero mukhang hindi naman niya pinakasalan kasi single pa rin hanggang ngayon."

Nagkakamali ka Lance. Dahil artista na siya yung babaeng yon parin ang nobya niya. Ikinasal na kami't lahat nanatili paring nobya niya yon.

"Kayo, paano kayo nagkakilala?"

Hindi ko masagot ang tanong ni Lance. Hindi niya alam ang totoo sa amin ni Jacob. Pero alam kong malalaman niya din kaya kapag nagsinungaling ako sa kanya magagalit siya sa akin.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon