Chapter 01

9.7K 249 88
                                    


"Who are you working for? Is it your plan to assassinate Mr. Aleksev and his son?"

Paulit-ulit na tanong. Kaso, wala akong naintindihan. Kasi bukod sa nakakadugo ng ilong, ang bilis nya pang magsalita. Sya yung nagsubsob sa akin sa sahig kanina at masakit yun! Kaya manigas sya, hindi ako sasagot o magsasalita.

Matapos ang nagyari sa erport, dinala nila ako sa isang hindi kalakihang silid na may mesa sa gitna at isang upuan kung saan ako nakaupo ngayon. Ang pader sa tapat ko ay may salamin na bintana kung saan ko sya nakikita mula sa labas.

"I'll talk to you face to face if that's what you want."

Napalunok ako. Nainip ko ata sya. Ilang saglit ay pumasok sya sa silid dala ang isang silya. Nilagay nya iyon sa tapat ko at doon umupo. Nakaramdam ako ng kaba. Anong Ingles na naman kaya ang lalabas sa bibig nya?

"Ako si Rhioz Dimitreo,"

Ipinatong nya ang mga siko sa mesa at seryoso akong tinitigan. Impernes, ang gwapo nya. May lahi atang banyaga. Antangos ng ilong, di gaya sa akin na nawawala pag suot ang mask.

"Ako ang head ng Aleksev security. Hindi naging maganda sa paningin ang ginawa mo kanina sa boss ko, Ms. Maribago. Hindi si Mr. Aleksev ang tipo na pwede mong lapitan at kalabitin sa airport. Tell me, what's your intention?"

"Kung sino man ang lalaking iyon, kinidnap nya ang anak ko! Si Jumong ko yung batang akay nya! Pakiusap tulungan mo 'kong mabawi ang anak ko." halos lumuhod ako sa pagmamakaawa.

Natahimik sya. Para bang nahihirapan syang iproseso ang narinig. Sumandal sya sa upuan saka umiling-iling.

"H-hindi ka naniniwala sa 'kin?"

"No. Azi is mistress Vallerie Wendel's son with my boss himself."

Azi? Yun na ang pinangalan nila kay Jumong ko? Sino naman kaya ang kutong nagbigay ng pangalan na 'yon? Wala silang karapatan na palitan ang pangalan ni Jumong na siyam na buwan ko ring pinagisipan!

"Wala ka ba talagang balak umamin?"

Nakamot ko ang hindi makati dahil sa yumayabong na iritasyon. Sa tingin nya ba kaya ko talagang gumawa ng masama?

"Wala nga! Ang lalaking 'yon ang dapat na nandito dahil kinidnap nya ang anak ko! Teka, kilala mo sya diba? Sabihin mo sa kaniya na ayaw ko ng gulo kaya ibalik na sa akin ang anak ko!"

"Are you sure about that?" Nagsalubong ang makakapal nyang kilay.

"Oo nga! Kaya pakiusap, tulungan mo ako. Wag kang mag-alala, pagkabalik ko sa probinsya ipapa-LBC ko sayo kalating sako ng kamote. Wala kasi akong pera sa ngayon." Binenta ko pa nga ang mga sardinas at noodles sa relipgoods pamasahe rito.

Mabigat na hangin ang pinakawalan nya. "You're profile from the best source will arrive soon. Malalaman din natin kung ano at sino ka nga talaga."

Bumukas ang pinto kaya napatingin kami roon. Pumasok ang isang lalaki na katulad niya ay nakasuot din ng pormal na kasuotang itim.

"Here," inabot ng bagong dating sa kaniya ang dala nitong polder. "All infos about her is in there."

Sandali syang nagtaas ng tingin sa akin bago iyon binuklat. Ilang saglit din syang tumutok roon bago muli nagtaas ng tingin sa akin.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon