Chapter 10

5.5K 191 40
                                    


"Wag kayong mag-alala, ako na'ng magbabantay kay boss!"

Malawak ang ngisi na nagtaas ako ng kamay. Kaso, ilang sigundo pa ang lumipas ay nakatitig lang sa akin ni Rhioz na para bang sinasabing 'Isa ka pa!' Nahihiyang ibinaba ko ang aking kamay. Naalala ko bigla na may pagdududa pa pala sila sa pagktao ko. Nakakahiya.

"It's too dangerous especially Azi is with you. We will keep an eye from a distance."

Nandito kami sa labas ng gusali at handa na para umalis. Pero itong si Rhioz, hindi mapalagay! Para syang asawa ni boss, masyado mahigpit! Walang tiwala sa kakayahan ko.

"Do what you want, as long as I won't notice you around."

Pumasok si boss sa napakakintab at napakagara nyang itim na kotse kaya atubiling kong tinungo ang kabilang pinto. Buti na lang at pinagbuksan ako ni Rhioz dahil hindi ko alam kung paano iyon. Intindihin nyo 'ko! Buong buhay ko sa habal-habal lang ako sumasakay!

"I'm not a kid nor a girl for pete's sake."

Pagkapasok ko ay ang panlalaki nyang amoy agad ang sumalubong sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na singhot-singhutin iyon dahil talagang nakakaadik! Nakakamangha rin ng sobra ang kagandahan ng sasakyan sa loob. Kumportable at malambot ang kulay itim na mga upuan. Alam kong sarili nila itong produkto. Ang ganda!

Pinaandar ni boss ang kotse at hindi ko masupil ang ngisi ko nang mapatingin ako sa kaniya. Mas gumwapo pa sya dahil sa suot nyang shades at medyo magulong buhok. Habang si Jumong na naka-shades din at naka-gel ang buhok ay nakaupo sa kaniyang hita. Isang kamay ni boss ay nakahawak sa manibela at sa kabila ay ang bata.

"Boss, hindi po ba kayo nahihirapan? Ako na po hahawak sa bata." sabi ko.

Sandali nya 'kong tinapunan ng tingin. Jusko, natunaw ako sandali! Ang gwapo dai!

"I'm fine."

Nang patakbuhin nya na ang sasakyan, pakiramdam ko'y nagsiliparan ang aking dendrap sa takot. Ang bilis! Napahawak ako sa kung saan pwede at napapikit. Ang masaklap ay naririnig ko ang mga hagikhik ni Jumong!

Gusto nya ba ng ganito? Hindi ko maisip ang kinabukasan ng anak ko pag ganito sya magmaneho paglaki nya! Gusto kong dumilat para tingnan si Jumong at ang reaksiyon nya pero hindi ko talaga kaya! Papatayin ba 'ko ni boss?! Ayoko na!

"Ama namin sumasalingit ka dinggin ang ngalan mo sumasaamin ang kaharian mo dinggin ang loob mo dito sa luba para ng sa langit..." mabilis at pabulong kong dasal. "Bigyan mo kami ngayon ng aming kak..."

Naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng sasakyan. Unti-unti akong nagmulat at agad na napatingin sa paligid. Nakahinto na kami ngayon sa gilid ng kalsada. Nagtatakang binalingan ko si boss.

"Boss, bakit tayo humin..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla nyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Agad akong napapikit nang maramdaman ko ang mga kamay ni boss sa aking katawan. Jusko, anong ginagawa nya?!

Ehh, nakikiliti ako!

"Why are you grinning?"

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon