Chapter 28

5.2K 162 15
                                    


"My God! How shameless could you be?!"

Nanginginig ako dahil sa pinaghalong galit, takot at hiya. Nang bumaling ako sa anak ko, nakatingin lang rin ito sa akin. Nang mapansin iyon ni Vallerie ay agad nyang itinago si Jumong sa kaniyang bisig.

Nagsimulang manubig ang aking mga mata. Si Jumong lang ang dahilan kung bakit hindi pa ako umiiyak ngayon. Sya lang ang dahilan kung bakit linalabanan ko mga titig ng taong nakapalibot sa akin. Ang anak ko lang.

"What happened here?"

Kasabay ng pagkamatay ng tugtog ay ang pag-alingawngaw ng boses na iyon sa bulwagan, pakiramdam ko'y nagyelo ang aking katawan sa kaba at takot. Pero sa kaloob-looban ko ay tuluyan akong nanghihina at natitibag.

Binibigyang daan ng mga tao si Madame Natiffere na naglalakad palapit. Kalmado ang kaniyang mukha pero salubong ang kilay. Nakita ko rin si boss na nakasunod sa kaniya, at nang makita nya ako na nakasalampak sa sahig, agad na bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha saka mabilis na lumapit.

"Shit. Tell me where it hurts? How much does it hurts?" Agad syang lumuhod sa aking harapan at naga-alalang hinawi ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha.

Kagat labi na tinuro ko ang aking kanang paa na natapilok. Nang mapatingin sya doon ay nakita ko ang pag-pikit nya ng mariin. Maingat nyang hinawakan ang aking paa at dahan-dahang tinanggal ang may takong na sapatos. Nakahinga ako ng maluwag, kala ko hindi sya dadating.

"Rhioz! Go get a fucking ice bag! Quickly!" Agad namang umalis si Rhioz na kanina'y nakatayo lang sa may gilid.

Nasisiyahan ako na dahil nandito sya, pero mukhang mas lumalala lang ang sitwasyon dahil nakatingin sa amin ang ina nya at ang mga magulang ng mapapangasawa nya at maging ang mga bisita.

"Vallerie, what's the meaning of this?" Asik ng puno ng mga Wendel na ikinapikit ko.

"I d-don't know, Dad. Alex! Just g-get away from her!"

"Vallerie! Can't you see she's injured?!" Si boss naman na nasa paa ko ang atensiyon.

"What?! Oh my God, Alexander! Are you listening to yourself?!"

Hindi sya nakinig. Wala syang pake sa ina nyang tuluyan ng bumabalatay sa mukha ang galit, wala syang pake sa gulat na ekspresyon ng mga magulang ng mapapangasawa nya, at wala rin syang pake sa bulungang umuugong sa paligid... pero may pake ako.

"Alexander,"

Nang marinig ko iyon mula kay Madame Natiffere, mas gumrabe ang kaba sa dibdib ko. Nakisali na ang ina nya, hindi magandang sinyales iyon! Tumingin ako kay Nexus na hindi ngayon alam ang gagawin sa paa ko. Masakit isipin pero napagtanto ko na kung ano ang maaring mangyari o mawala kay boss pag ipinagpatuloy nya ito.

"B-boss, wag mo na 'kong tulungan. Sumunod ka na lang sa mama mo—

"Shh." Suway nya.

Napatingin ako kay Madame Natiffere na mas nagsalubong ang kilay. Tumingin sya sa ibang direksiyon atsaka sumenyas, nang mapatingin ako roon. Mga gwardiya!

Atubiling muli akong tumingin kay boss. "Sige na, boss! Wag mo nang gawin 'to! Umalis ka na riyan, bilis!"

"What?! I am not going anywhere—

Hindi nya na natuloy dahil hinila na sya ng apat na guwardiya palayo sa akin. Mura ng mura si boss habang pilit na kumakawala, pero hindi nya nagawa. Lumapit din sa akin ang dalawa pang guwardiya at inalalayan akong tumayo. Hindi ko mapigilang dumaing dahil sobrang sakit talaga ng paa ko!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon