Chapter 17

4.9K 165 5
                                    


"Vallerie, anak mo ba talaga si baby Azi?"

Sinikap kong patigasin ang aking tono nang sabihin ko iyon habang sinusuri ang kaniyang ekspresyon. Ngunit wala sa kahit na anong inaasahan ko ang naging ekspresyon nya. Imbis na magulat o magalit, umirap lang sya sa kawalan at paasik na humuninga ng malalim.

"Of course!" Tumalikod na sya para lumabas ng kwarto ngunit agad ko syang pinigil.

"Gano'n lang? Gano'n lang ba talaga dapat kapag ina? May pake ka ba sa anak mo? Mas lumalakas ang duda ko na hindi mo anak ang bata, ma'am."

Alam kong dapat hindi ko iyon sinabi, pero hindi ko na kasi mapigilan. Naiinis na 'ko sa kaniya. Anak ko man ang bata o hindi, nasasaktan pa rin ako sa pagtrato nya rito pag walang ibang nakakakita. Ang sama nyang ina.

"What the hell? Ano sa tingin mo ang meron ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Amo mo 'ko!"

Kitang-kita ko ang iritasyon at galit sa mga mata nya. Pero gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya.

"Hindi mo anak si Azi! Sya si Jumong na anak ko! Posibleng nakita mo lang sya at inampon mo dahil kahawig sya ni boss at—

Natigil ako. Isang malutong na sampal ang inabot ko sa palad ni Vallerie. Hindi ko na sya magawang tingnan pero dinig ko ang habol nyang paghinga. Namanhid ang pisngi ko sa sakit hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang hapdi.

"Don't you ever dare mention something like that again! I'll make sure you get fired next time that even Alex can't do anything about it. You understand?"

Tuluyan na syang naglakad palabas ng kwarto. Pinahid ko ang luhang tumulo at lumapit ako sa kuna. Tumayo ako sa may gilid at pinanuod ang bata na naglalaro habang may teether sa bibig. Napangiti lamang ako nang matawa si Jumong dahil sa ginagawa. Sa totoo lang ay naiisip ko na rin na baka hindi ko anak si Azi. Na baka nga nagkataon lang. Umasa kasi ako ng lukso ng dugo.

Pero kung sya nga ang anak ko, paano sya napunta dito? Wala akong maisip na dahilan para mangyari ito. Kahit tila walang pagmamahal si Vallerie sa bata, wala naman akong sapat na basehan para sabihing ampon lang si Azi. Pag ipipilit ko ang hinala ko, si Vallerie, si Madame Natiffere, at lalong-lalo na si boss ang makakalaban ko. Sa tingin ko hindi ko kakayanin.

Ang alam ko lang ngayon ay dapat ko munang sikmurain lahat. Kailangan ko itong gawin dahil ayaw kong mawalay sa bata na tinuturing kong akin lalo na 't pinagbantaan na ako ni Vallerie. Nandito naman ang anak ko na inspirasyon ko para magpatuloy. Hindi ako aalis hanggat hindi ko napapatunayang sya nga ang anak ko. Ayaw kong isiping hind kasi baka mawawalan na 'ko ng bait.

"Marimar~ Ay!" Sigaw ko habang nasa ere ang mga braso at kinembot ko pa ang aking pwet. Maski si Jumong ay nahinto sa ginagawa para tingnan ko. Nginisihan ko lamang sya.

Iyon ang paraan ko para tumilapon ang kahit wanport na dinadala ko ngayon. Pamapalubag loob. Madalas akong kasi akong daungan ng problema, alam ko sa sarili ko na dapat manatili akong positibo sa lahat ng bagay at magagawa ko iyon kahit sa simpleng paraan at aksyon lang.

Bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas na papalapit ng papalapit sa kwarto. Agad kong kunuha si Jumong sa kuna maglalakad na sana ako palabas. Ngunit bigla na lang nagsidatingan ang apat na halatang taranta at nagsisikaikan sa labas ng kwarto! Anyare sa kanila?

"Marimar! Anong nangyari!"

Napaatras ako dahil sa sabay nilang sigaw. Nagtataka kong tiningnan ang mga mukha nila na puno ng pag-aalala at habol pa nila anf kanilang hininga maaring dahil sa pagtakbo. Napakurap ako, ay teka, alam ko na!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now