Chapter 06

5.4K 193 53
                                    


"Magandang umaga po, boss."

Agad kong bati pagkapasok sa opisina niya. Sandali syang nagtaas ng tingin sa bata bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang kompyuter. Nagtungo ako sa sopa sa may gilid, sa baba niyon ay may karpet na pambata kung saan nakalagay ang mga laruan ni Jumong at mayroong ring kuna.

"Lalalala lalalala..."

Habang sinasayaw ang bata ay panakaw-nakaw ako ng tingin kay boss na salubong ang kilay habang nagbabasa ng mga papeles. Ganito ba talaga ang buhay nya? Estress na lang lagi? Mas maganda siguro kung may gawin ako.

"Bulaga! Eeet, bulaga!"

Agad na humagikhik si Jumong nang simulan ko syang lambingin. Magaling ako sa kilitian at wacky-wacky kaya naman ay talagang bungisngis ang bata. Alam kong maingay kami pero hindi naman siguro magagalit si boss dahil anak nya naman 'tong maingay.

Pansin ko na ang kaninang estres na estres nyang awra ay unti-unting nawawala pag naririnig nya ang hagikhik ng bata. Magtataas sya ng tingin sa bata saka bahagyang ngingiti tapos balik na naman sa papeles ang atensiyon.

"Si Masha yan, nak."

Tinuro ni Jumong ang makulit na batang babae sa palabas na aming pinapanuod. Matapos magkulitan ay napagod din kami kaya nanunod na lamang kami ng palabas na pambata gamit ang malapad na selpon ni boss, iPad daw ito.

Tawang-tawa si Jumong sa tuwing napapahamak ang oso. Kaya nang pinagalitan na ng oso si Masha ay hinarap ko ang anak ko.

"Pag naging singkulit ka ni Masha, magiging oso ako. At matatakot ka sa 'kin!" Kiniliti ko ang anak ko at pinangingilan ang kilikili nya.

"Damnit, I can't focus."

Agad akong natigil at natahimik nang marinig ko iyon mula kay boss. Ngunit laking gulat ko ng makitang may ngisi sya sa labi at umiiling-iling pa habang naglakad palapit sa amin. Sali sya sa kilitian?

"Can I have this little man for a moment?"

Hindi ko masyadong naintindihan pero nang iabot nya ang kaniyang mga kamay ay alam kong gusto nyang sya naman ang yumapos sa bata kaya agad kong ipinaubaya.

"Ay teka, boss! Yung damit po dapat hindi mawaksi para hindi kabagin ang bata,"

May ngiting hinila ko pababa ang damit ni Jumong na ang disenyo ay kakaibang nilalang na gawa sa nyebe at may carrot na ilong. Nagtaas ako ng tingin kay boss at magsasalita na sana ngunit natigil ako nang makita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"How could you lose your son?"

Napakurap-kurap ako. Hindi kalakasan ang kaniyang pagkakasabi at hindi ko rin iyon gaanong naintindihan. Pero biglang namigat ang dibdib ko.

"You said he looks exactly like my Azi. I could help you find him."

Ang huli nyang sinabi ay medyo naintindihan ko. Pero kakailanganin ko pa ba ng tulong nya kung nasa harap ko na mismo ang hinahanap ko?

"N-naku boss, hindi na po kailangan." Pilit ngiti kong iling.

Kung gusto kong makasama pa ng matagal ang anak ko, kailangan kong magsinungaling dahil ito lang ang paraang alam ko na makakapag-lapit sa amin.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now