Chapter 19

4.9K 195 22
                                    


"Jusmeyo marimar, boss... b-bakit mo iyon ginawa?!"

Naitulak ko sya at napahawak ako sa aking labi. Nalalasahan ko pa rin doon ang alak mula sa kaniyang bibig. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam kong lasing sya, pero bakit kailangan nya itong gawin? Wala na ba talaga sya sa tamang pag-iisip? O pinaglalaruan nya lang ba ako?

"Boss.. n-nasa itaas lang ang babaeng mapapangasawa mo at—

Bigla'y hinawakan nya muli ang aking baba at siniil nya ako ng halik. Halos lumuwa na ang aking mga mata sa gulat ngunit mistula akong nabato sa kinatatayuan. Nagsimulang gumalaw ang kaniyang labi na dahilan ng tuluyang pagkawala ko sa katinuan. Hinawakan nya ang aking pisngi upang mas palalimin ang halik.

Ramdam ko ang unti-unting pagliliyab ng aking katawan at ng paligid. Walang ibang laman ang utak ko kundi ang kakaibang sensasyon mula sa aking kaibituran na dahilan kung bakit hindi na 'ko nakakapag-isip ng tama. Ito rin ang nagtutulak sa akin na tugunin sya. Hindi ko pa na lubos maisip ang nangyayari.

"Hmmn..." Napahalinghing ako sa sarap na dala ng malambot nyang labi. Sinubukan kong gayahin ang kaniyang galaw, at kasabay ng pagkapit ko sa matitipuno nyang braso ay ang pagtugon ko ng buong puso sa kaniyang halik.

Sandali syang natigil. Ramdam ko iyon sa koneksiyon ng aming labi. Maaring hindi nya inasahan ang aking ginawa, maski ako. Pero dalang-dala na 'ko sa init nya na kanina ko pa ramdam. Ayaw ng utak ko pero gusto ng katawan ko ang init nya. At sa pagkakataong 'to, gusto kong manaig ang tawag ng aking katawan.

Napasinghap ako nang muling angkinin ni boss ang aking labi sa mas agresibong paraan. Sinipsip nya ang pangibaba kong labi at hindi ko napigilan ang aking mga ungol. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo syang nagliliyab at nagiging agresibo. Wala na 'kong ibang maisip kundi ay kung papaano ko sya sabayan.

"You're doing great, Mariel." Bulong nya nang sandaling maghiwalay ang aming labi. Maaring alam nya na hindi ako sanay sa ganito. Minsan ay nakakagat ko pa ang kaniyang labi, pero wala syang riklamo at ginigiyahan nya pa ako.

Pumasok ang kaniyang dila sa aking bibig at mas pinagdikit nya ang aming katawan. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang batok. Nakakapaso ang init nya, ngunit nagustuhan ko iyon. Hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay nya sa aking pwetan at bigla na lang akong umangat sa ere!

Hindi nya pinapakawalan ang aking labi, kaya upang masiguradong hindi ako mahuhulog ay ipinulupot ko ang aking mga binti sa kaniyang baywang. Iniupo nya ako sa malamig na mesa na nasa aking likuran at tumayo sya sa pagitan ng nakabuka kong mga hita. Teka, tuloy na tuloy na ba talaga ito?!

"Ahhh.. b-boss.." Napaungol ako nang bumaba ang kaniyang mainit at masarap na bibig sa aking leeg at sa aking tenga. Pumasok rin sa ilalim ng damit ko ang kaniyang palad at biglang pinindot at minasahe ang aking utong na halos ikinatalon ko! Ano kasi.. a-ang sarap!

"Ahhh.." lumubog ang aking mga kuko sa kaniyang batok at napatingala ako habang mariin na nakapikit ang mga mata at kagat ang labi.

Naglakabay sa aking katawan ang mainit nyang mga palad. At nang akmang huhubarin nya ang aking pang-itaas ay doon na 'ko nagising sa nangyayari. Oo, hiniling ko na sana bumalik na sa dati ang pagtrato ni boss sa akin, ipanagdasal ko na sana kahit kausapin man lang nya 'ko. Pero hindi sa ganitong paraan!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon