Chapter 13

5K 172 16
                                    


"Get out if you have nothing important to say."

Napakagat labi ako nang marinig ko ang boses ni boss. Hindi ko rin mabatid kung sino ang kausap nya sa loob. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto at mas naging klaro na ang sa aking pandinig ang mga patak ng tubig maging ang kanilang pag-uusap.

"You're so fucked up. You are engaged, Alexander!" Ang boses ulit ng estranghero. "If you don't want her, I will take her back. Mukhang wala ka naman talagang pake sa kaniya."

"Then do it, I really don't have the energy to care." So boss muli iyon!

"You can't be serious, right? Wala ka ba talagang nararamdaman sa kaniya? You already have a child!"

"If I'm given the chance to pick between her, my son, and both, I won't hesitate to choose my son."

"Damn you, Aleksev!"

"Just get out, Connelly."

Isang walang kabuhay-buhay na tawa ang aking narinig at kasunod niyon ay ang mga yabag na mukhang papalapit sa pinto. Atubili akong napa-atras at napatakbo sa gilid ng laker upang doon magtago. Parang binubundol ang dibdib ko sa pagkakataong ito dahil sa kaba lalo na nang marinig ko ang pabalibag na pagbukas at pagsara ng pinto!

Papalapit sa aking pinagtataguan ang mga yabag kaya napapikit ako upang magdasal sa isip. Jusko, ano kayang mangyayari pag nahuli ako? Napaigik ako nang marinig ko ang pagbukas ng isang laker at batid kong malapit iyon sa akin! Kaunting baling lang ng taong ito ay maaring makikita na namin ang isa't isa!

"Damn that fucker. I'll make sure to take her back." Dinig ko muli ang boses ng lalaki.


Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng siper ng damit, nag-bold ata ang lalaki. Ilang sandali ay sunod na umalingaw-ngaw sa tahimik na pasilyo ang muling pagsara ng laker kaya sa tingin ko ay papaalis na sya. Nang marinig ko muli ang mga yabag nya papalayo ay pasimple akong sumilip at nakita ko ang bulto ng isang matanggkad na lalaking kakaliko lang palabas sa malawak na palaruan.

Nakahinga ako ng maliwag at lumabas na sa pinagtataguan at napahawak ako sa dibdib upang pakalmahin ang sarili. Nang bahagya akong kumalma ay tumango ako sa sarili para palakasin ang aking loob na ipagpatuloy ang sadya dito. Muli akong naglakad tungo sa pinto ng cr at dinig ko pa rin ang tunog ng tubig. Sabay ng muli kong pagkatok at ang pagbalik ng kaba sa dibdib ko.

"B-boss?" Pinakinggan ko muna ng mabuti ang nasa loob. "Dala ko ang damit mo. Ako kasi ang napagpasahan ng utos na ibigay sa'yo ito kasi may gagawin pa si Ri, ay este, y-yung isa mong tauhan na dapat—

Biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ko dahil sa gulat. Nakatingin sa akin ngayon si boss na tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok at mayroon mga butil na dumadaloy sa perpekto nyang mukha at katawan.

Maraming beses akong napalunok saka nagbaba ng tingin, hehe. Nakatapis lang sya ng twalya. Tapos may ano, yung ano kasi... m-may ilang bulbol pababa tapos ano... may bumubukol! Agad akong napapikit... ng konti. Oo, konti lang.

"B-boss, ito na po ang damit nyo."

Inabot ko sa kaniya ang supot gamit ang nanlalamig at nanginginig kong kamay. Ngunit ilang segundo na ang lumipas, hindi nya tinanganggap. Nakatitig lamang sya sa akin! Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok tungo sa likod ng tenga dahil baka hindi nya iyon gusto.

"B-boss, nakakangawit na—

Ngunit bigla nyang hinawakan ang pulso ng kamay kong nakalahad at hinila ako papasok ng banyo sa isang kurap.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now