Chapter 26

44 1 0
                                    


"A-ANO?" sabay nilang reaksyon ni Luis.

Maybe I heard it wrong. Mahirap lang sila tatay. Hindi uso ang fixed marriage sa hindi mayayaman. Aniya sa isip niya.

Ang ama niya ang sumagot dito. "Pasensya na kung hindi ko nasabi sa 'yo. Akala ko kasi ay hindi na niya uulitin pa ang ginawa niya noon."

Then her mother. "Galit sa amin ng papa mo si Selena, Gracia. Malapit ng ikasal non ang papa mo at si Selena. Magkababata kami ng papa mo pero nagkalayo kami at muli nalang nagkita nung ikakasal na siya. Simula palang nung teenager kami, magkarelasyon na kami. Kaya nung muli kaming nagkita. Nagkabalikan kami. Hindi ko alam na ikakasal na pala ang ama mo 'non. Mayaman sila papa mo non, Gracia.

Nung panahon na 'yon ay nabuntis ako. At ikaw yon. Don ko din nalaman na ikakasal na pala ang ama mo. Kaya lumayo ako. Pero kinansel ng papa mo an kasal nila ni Selena. Hindi din namin alam na matagal na din palang may gusto si Selena sa papa mo. Kaya nagalit siya sa amin. Mayaman sila Selena at kilala an pamilya niya kaya ginawa niya ang lahat para mapabagsak ang negosyo ng mga lolo't lola mo. Kung kaya't hindi niyo naabutan ang yaman nila."

Nakanganga lang sila habang nagkukwento ang magulang nila. Hindi sila makapaniwala. Kaya pala ganon nalang ang galit ni Selena sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila noon! Kung hindi sana siya ipinagbuntis ay hindi ikakansela ng papa niya ang kasal.

Pero malay niyo naman kahit hindi ako nabuo eh ikacancel pa rin niya ang kasal dahil masama an ugali ni Selena. aniya sa isip niya. Lihim nalang siyang napailing.

"P-pero, bakit po hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa 'atin?" naguguluhan niyang tanong. Tumingin siya sa ama ni Luis at nanlaki ang mata. "W-wag niyo pong sabihin na hanggang ngayon---"

Malungkot na ngumiti ito at tumango. "Tama ka. Mahal pa rin niya hanggang ngayon ang ama mo."

Napaawang ang labi niya at napatingin kay Luis na tulala lang ngayon sa magkahawak nilang kamay.

"At mas lalo siyang nagalit sa inyo nang malaman niya na anak ka ng lalaking nanakit sa kanya." dagdag pa nito.

TULALA SIYA HABANG PILIT NA iniintindi ang mga nalaman nila kanila. Naka upo siya sa upuan na nasa tabi ni Shaya habang si Luis naman ay nakahiga sa sofa at nakapikit. Hindi niya alam kung tulog ba ito at nakapikit lang.

Naka-ilang buntong hininga na rin siya. Hindi niya akalain na ganon pala ang dahilan kung bakit galit na galit ito sa kanya. Alam naman niyang hindi ito boto sa kanya, pero hindi niya akalaing pati ang apo nito ay idadamay niya. Kahit papaano ay apo pa rin nito si Shaya.

"Mommy..." bigla siyang napatingin kay Shaya nan marinig niyang nagsalita ito. "Mommy..."

"Diyos ko! Shaya! Salamat at nagising ka na!" naiiyak niyang sabi. Maingat niya itong niyakap at hinalikan sa noo.

"Mommy... b-bakit po mahapdi yung left side ng body and face ko?" nagtataka nitong tanong sa kanya. "Mommy I can't m-move my left hand.."

Napahawak siya sa bibig niya para pigilan ang sigaw na gustong kumawala sa bibig niya.

"Mommy why are you crying?" hinaplos ni Shaya ang mukha niya gamit ang kanan nitong kamay. "Don't c-cry, po..."

"Son... Shaya..." mabilis na niyakap ni Luis ang anak at hinalikan din ang ulo. "How are you feeling?"

"I'm fine po daddy. I just can't move my left hand and leg. A-ano puba yung nangyari daddy? Why am I here in hospital?" inosente nitong tanong sa ama.

Niyakap naman siya ni Luis at hinagod ang likod. Nagtataka namang nakatingin sa kanila ang anak.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon