Chapter 7

48 2 0
                                    


GUSTO MANG ALUIN ni Luis si Gracia pero hindi niya magawa dahil nagmamaneho siya. Kaya ang ginawa niya nalang ay maingat pero mabilis siyang nagmaneho papunta ospital.

Nang makarating ay hindi niya binitawan ang nanginginig na kamay ni Gracia. Siya na rin an nagtanong sa front desk kung saan ang room ng tatay nito. Nang makarating sila sa tapat ng silid ay doon niya palang binitawan ang kamay ng dalaga.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Salamat, Luis."

"I'm just here. I'll wait for you." sagot niya.

Pumasok na si Gracia sa silid at naiwan siyang nakatayo sa labas ng pintuan. Mabuti nalang at may mga upuan sa tapat ng mismong pinto kaya doon nalang siya naupo.

Gusto niyang samahan sa loob si Gracia pero hindi pwedi. Oras nila iyong pamilya. Ayaw niyang makisali sa mga ito. At isa pa, baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang ni Gracia kapag nakita silang magkasamang dalawa.

Mahigit isang oras na ang lumipas nang bumukas ang pinto. Ngunit hindi si Gracia ang lumabas doon kundi ang isang babaeng medyo kahawig ni Gracia. May bitbit itong bata na sa palagay niya ay isang taong gulang palang.

"S-sino ka?" gulat na tanong nito sa kanya. "Kasama mo ba si Ate Gracia?"

Tumango siya at tumayo para magpakilala. "Luis, k-kaibigan ako ni Gracia."

Tiningnan siya nito na para sinusuri kapagkuwan ay inaya siya nitong pumasok sa loob.

"Okay lang ba? Baka nag-uusap pa ang mga magulang mo." tanong niya. Ayaw niyang maka-istorbo sa mga ito.

"Oo sige. Akong bahala." binuksan nito ang pinto at pumasok sila.

Natigilan ang mga nasa loob nang makita sila. Nakita niya si Gracia na natutulog sa isang sofa. Nakaupo lang ito habang natutulog.

"Nay, si Luis nga po pala---"

"Yan ba ang tatay ng apo ko Mary Grace?!" malakas na tanong ng ina nila Gracia.

Pareho naman silang napangiwi ni Grace.

"Hindi 'nay! Kaibigan siya ni ate. Sa tingin ko ay kasama siya ni ate kaninang pagpunta dito."

Para namang nakahinga ng maluwag ang ginang.

"Ah, magandang umaga po. Kaibigan po ako ni Gracia. At... Opi, ako po ang kasama niya pagpunta dito." nahihiya niyang saad.

Tumingin sa kanya ang ina ni Gracia. "Kaibigan lang talaga?"

"A-ah. O-Opo, hehe."

"Pasensya ka na, akala ko ikaw ang tatay ng apo ko." tumango siya at ngumiti. "Upo ka, Luis. Nako. Nakatulog 'tong si Gracia kakaiyak. Pasensya ka na, at matagal kang naghintay sa labas."

"Ayos lang po. Basta para kay Gracia." natigilan ang ginang at tumingin sa kanya na nang-aakusa. Kaya agad siyang nagsalita ulit. "Ah! Ang ibig ko pong sabihin, basta para sa kaibigan ko. Handa po ako t-tumulong."

"Ganon ba? Akala ko ay may gusto ka sa anak ko eh." tumango ito at tiningnan si Gracia na natutulog. "Kung ako ang tatanungin, halata na gusto mo ang anak ko. Halatang halata sa iyon hijo."

Nanlaki ang mata niya sa gulat sa sinabi ng ginang. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya nito.

"Pero pa sensya na, Luis. Hindi mo pweding magustuhan ang anak ko. Panarap niya ang maging madre. At ngayong madre na siya, ayokong masira ang pangarap niya. Kaya sana, hanggang kaibigan lang."

"O-opo..."

Natahimik sila. Habang siya ay nakatitig lang sa dalaga. Mahimbing ang tulog nito. Paran napaka-amo ng mukha pero alam niyang mataray ang dalaga.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now