Chapter 11

45 1 0
                                    


"MAN, IT'S BEEN TWO YEARS, hindi mo pa rin nakakalimutan yung babae?" Giovanni asked him. Alam kasi nito ang naging problema niya noon.

He didn't answer. He heard Giovanni sighed but he's still looking at Gracia's picture on his phone. The photo was taken two years ago. Sa bahay iyon nila Gracia nang bumisita sila.

He sighed. "Gracia, its been two years, how are you? Are you happy now that you made me leave?" he whispered.

"Man, tissue." abot sa kanya ni Giovanni. Kinuha niya iyon pero hindi ginamit. Nilapag niya lang iyon sa table niya.

Si Giovanni ang lagi niyang tinatawagan sa tuwing naaalala ang dalaga. Kay Giovanni siya nanghihingi ng advice. Si Giovanni ang tumulong sa kanya para hindi maging baliw sa loob ng dalawang taon.

At ngayon ay tinawagan niya ito dahil nakatanggap na naman siya ng balita mula sa bahay-ampunan. May sakit daw ang dalaga pero hindi niya mabisita dahil alam niyang hindi naman siya nito kakausapin. Ang totoo niyan ay si Sister Josepina ang naga-update sa kanya tungkol sa babae.

Dalawang taon na rin simula nung huli niyang punta sa bahay-ampunan.

"Man, puntahan mo nalang kung ako sayo. Kesa nasasaktan ka dyan. Malay mo naman, magka-ayos na kayo." suhestiyon ni Giovanni.

"Bakit ikaw? Hindi mo puntahan si Gia sa England?" tanong niya dito. Napatigil ito sa akmang pag-inom at matalim na tumingin sa kanya.

"Man, if I am allowed to go there, I will definitely kidnap her and bring her to my house." Giovanni answered sarcastically. "Buti nga ikaw, anytime makakapunta ka don. Eh ako? Not allowed. Pinagbawal niya atang makapasok ang gwapo sa bansa nila. Ayan tuloy." biro pa nito.

Mahina naman siyang tumawa at pinakyuhan ito. "Lasing ka na. Umuwi ka na nga."

Giovanni looked at him flatly. "Excuse me, Joaquin. Kaninang tinawagan mo 'ko, kasalukuyan kong pinapatulog ang anak ko non. Pero dahil sinabi mong emergency, pinabantayan ko muna siya kina Richardson at Danica. Nakakahiya naman sayo eh."

"Whatever. And please say 'hi' to Eros. And here." kinuha niya sa ilalim ng table ang ilang paper bag at inabot dito. "Sabihin mo pinapabigay ng gwapong ninong niya."

Kinuha naman ni Giovanni iyon at nagpaalam ng umalis. Naiwan siyang mag-isa sa opisina niya. He sighed.

Sana wag mo kong kamuhian sa gagawin ko, Gracia. Gagawin ko ang lahat maging akin kalang, kahit pa magalit ka sa akin. Wala na akong pake alam basta sa huli, sa akin ang bagsak mo.

Inayos niya ang mga gamit at umuwi sa condo. Nagpack siya ng mga damit at natulog na.

MASAMA ANG PAKIRAMDAM ni Gracia magmula kahapon. Hindi siya makatayo sa higaan ng walang umaalalay. Mabuti nalang at naroon si Sister Josepina para alagaan at alalayan sila.

"Kain ka na, Sister Gracia..." iniumang ng madre ang kutsara papunta sa bibig niya. Ngumanga naman siya at isinubo iyon.

"Salamat, Sister. Dalawang araw mo na 'kong inaalagaan." natatawa niyang saad.

Ngumiti lang ito sa kanya at sinubuan ulit siya hanggang sa maubos niya ang pagkain.

Pagkatapos non ay nagpaalam muna ito na papakainin naman ang mga bata. Nagpasalamat ulit siya dito bago ito umalis.

Napabuntong hininga siya. Nahihiya siya dahil siya ay inaasikaso nito. Nanatili lang siya nakatingin sa kisame bago nakaramdam na gusto niyang maihi.

Nahihiya naman siyang tawagin pa si Josepina dahil alam niyang abala ito sa pagpapakain ng mga bata. Kuya dahan dahan siyang tumayo kahit na unti unti na siyang nakakaramdam ng hilo.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now