Chapter 6

57 1 0
                                    


"LUIS..." napalingon si Luis sa tumawag sa kanya. Katatapos lang nilang maghapunan. Nagtungo siya sa likod ng bahay para hintayin si Gracia kahit na di niya sigurado kung bababa pa ba ang madre sa silid nito.

"Sister Josepina. May kailangan ka?" diretso niyang tanong dito.

Imbes na sumagot ay umupo ito sa katapat na upuan ng bench na inuupuan niya.

"May gusto ka ba kay Sister Gracia?" diretso nitong tanong sa kanya. Natigilan siya at di agad nakasagot. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng madre. "Madre siya, Luis. Hindi siya isang simpleng babae lang." dugtong nito.

He sighed deeply and looked away. "Wala akong intensyon na sirain ang pagmamadre niya."

"Pero ginagawa mo na." nakikiusap ang mata nito sa kanya. "Hindi man niya sinasabi sa akin, pero alam kong nagda-dalawang isip na si Sister Gracia. Luis, malambot ang puso naming mga babae pagdating sa kagaya mo."

"Hindi pa naman huli ang lahat. Pwedi pang magbago ang kagustuhan niyang madre."

"Luis, mali itong ginagawa mo. Pangarap niyang maging isang madre. Masaya siya kung ano siya ngayon."

"Kaya ko siyang pasayahin ng higit pa sa nararanasan niya ngayon, Sister." madiing sagot niya dito.

Umiling ang madre. Malungkot ang mga mata nito. "Pero mali ito..."

"Mas mali kung pipigilan ko ang nararandaman ko, Sister. Gusto ko siya. Unang kita ko palang sa kanya, alam kong gusto ko na siya."

"Luis, pinapayuhan lang kita. Alam mo kung ano ang nangyare sa amin ng kuya mo. Ayokong magkasakitan kayong dalawa. Nag-aalala ako para sa inyong dalawa ni Sister Gracia. Labag ito sa batas namin. At labag din sa panginoon."

Napayuko siya. Alam niya kung ano ang pinagdaanan ng kuya Paul John niya at ni Sister Josepina. Nagkahiwalay ito dahil sa kagustuhan ng kuya niya na magpari. Nung una ay nagdalawang isip ito dahil mahal na mahal nito si Sister Josepina. Pero mas pinili ni Paul John ang pangarap. Dalawang taon ng magsimulang mag-aral si Paul John nang marealized nito na mas gusto niyang makasama si Sister Josepina.

Ngunit huli na ang lahat. Nag madre si Sister Josepina dahil lubos itong nasaktan dahil sa pag-iwan ni Paul John. Kaya pinagpatuloy nalang ng kuya niya ang pagpapari. Sa ngayon, ito ang kasalukuyang pari sa kumbento na pinagmulan nina Sister Josepina at Gracia.

Alam niyang hindi magiging ganon ang sitwasyon nila ni Gracia. Pero alam din niyang mas masasaktan sila kapag itutuloy oa niya ang pangungulit sa dalaga.

"Pag-isipan mo ang bawat kilos at gagawin mo, Luis." tinapik ni Sister Josepina ang balikat niya bago ito umalis.

Malalim siyang napabuntong hininga kapagkuwan ay natigilan ng tumunog ang cellphone niya.

Nakita niyang tumatawag si Sofia pero wala siyang balak sagutin iyon. Kaya naman ilang minuto ring nag-iingay ang telepono niya.

"Why don't you just turn-off your phone? Ang ingay eh." agad siyang ngumiti nang marinig ang boses ni Gracia.

Umupo ito sa inupuan ni Sister Josepina at tumingin sa cellphone niya na nasa bench. Kinuha niya iyon at sinunod ang sinabi ni Gracia.

"Hi." nakangiti niyang bati. Tinaasan lang siya nito ng kilay at inirapan. Mahina siyang natawa sa pagsusungit nito. "Bad mood, ei?"

"Oo, nakikita kasi kita eh." peke itong ngumiti na ikina-iling niya.

"Ang buong akala ko, ang mga madre ay mababait." saad niya habang nakatitig sa babae.

"Share mo lang?"

He shook his head and rolled his eyes. He bit his lower lip to prevent smiling.

"You look creepy. Why are you looking at me like that?" nakangiwi nitong tanong.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now