Chapter 8

54 1 0
                                    


LIMANG ARAW PANG nanatili sa hospital ang tatay niya kaya limang araw na din siyang hindi bumabalik sa bahay-ampunan.

At sa limang araw na yon, walang araw na hindi siya pinupuntahan ni Luis. Ito lagi ang nagdadala ng pagkain para sa kanila kahit na sinasabi ng ina niya na wag ng mag-abala pa.

Pero makulit talaga ito at hindi nagpapapigil. Tumulong din ito sa pagbabayad ng hospital bills nila dahil kaibigan pala nito ang may-ari ng hospital.

Sa tuwing tanghali ay umuuwi sila sa bahay upang makapagpahinga. Papalitan naman sila ni Grace at ng nanay niya. Ang bata naman ay naiiwan sa kanila. Pagdating ng alas sais ng gabi ay uuwi naman ang nanay niya at si Grace at sila naman ang magbabantay sa hospital hanggang sa umaga. That's their routine for the whole five days.

Lihim din siyang nagpapasalat kay Luis dahil sa loob ng mga araw na iyon, ay wala itong ginawang kahit anong kababalaghan sa kanya kahit na madalas ay silang tatlo lang ng pamangkin niya ang tao sa bahay.

"Salamat talaga, Luis. Napaka-laki ng utang na loob namin sa iyo. Lalo na ako." sabi ng tatay niya. Kararating lang nila mula sa hospital. Nakapalagayan na ng loob ni Luis ang buong pamilya niya dahil marunong makisama ito.

"Wala po iyon, 'tay." nakangiting sagot nito sa ama niya. Aga namang nalukot ang mukha niya nang marinig ang itinawag nito sa ama niya.

"Anong tatay ka dyan?! Sinabi ng 'Tito'. Tito ang itawag mo sa kanya." naiinis niyang sabi.m dito. Narinig niya ang mahinang tawa ng pamilya niya.

"Ayoko. Mas gusto ko ang 'tay'. Diba 'tay?" lumingon pa ito sa ama niyang natatawa dahil sa bangayan nila.

"Ayos lang naman yon sa akin, Gracia. Tutal ay kaibigan mo naman siya."

Naging hilaw ang ngiti ng lalaki at umiwas ng tingin sa kanya. Tumikhim siya para putulin ang awkwardness sa pagitan nila.

"Tay, bukas babalik na 'ko sa bahay-ampunan. Alagaan niyo na ang sarili niyo ah? Tsaka kung sakali mang may mangyareng ganito ulit, wag naman sana, please lang nay, tay, Grace. Update me. Kung hindi pa kami nagpunta dito hindi namin malalaman na nasa ospital kayo." she said strictly.

"Opo ma'am." sabay na sagot ng tatlo at nagtawanan pa.

Kumain sila ng tanghalian at nagpahinga na. Siya naman ay naghuhugas ng pinggan. Si Luis ay naka-upo lang, pinapanood siya.

"Gracia. Napag-isipan mo na ba?" kapagkuwan ay tanong nito sa kanya.

Lumingon siya dito at nagpunas ng kamay. Tapos na siya sa paghuhugas. "Ang alin?"

"Yung..." paran nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba o hindi. "..yung sinabi kong bigyan mo ko ng isang... chance."

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. Hindi pa rin niya naiisip iyon. Pakiramdam niya ay napakalaki na ng kasalanan niya sa Panginoon dahil nagdadalawan-isip siya kung itutuloy pa ba ang pagmamadre o hindi na.

"Gracia, hindi kita pinipilit na magustuhan mo din ako. Alam kong mahirap para sayo 'to dahil madre ka, alam nating pareho na bawal ito. Pero... hindi naman siguro masama kung susundin naman ang puso natin diba?" dugtong pa nito.

Kinakabahan siya sa kung anong pweding mangyari kung bibigyan niya ito ng chance. It's like, choosing over her dreams and a man she loves.

She loves? Oh God, no...

"Gracia, love is taking a risk. At ngayon sumusugal ako para sayo. Sumusugal ako kahit alam kong bawal." tumingin siya dito na ngayon ay dahan dahang naglalakad papalapit sa kanya.

"L-luis..."

"Gracia, I'm serious about giving me a chance."

"Natatakot ako, Luis..." pag-amin niya. Hindi niya napigilan ang luha na lumabas mula sa mga mata niya. Niyakap siya nito at isinandal ang ulo niya sa dibdib nito. "N-natatakot ako na baka saktan mo 'ko. L-luis, never pa akong nagmahal sa isang lalaki. I've never had any romantic relationship before. H-hindi ko alam kung anong gagawain ko..."

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now