Chapter 22

42 1 0
                                    


ILANG BESES NA SIYA napabuntong hininga sa paulit ulit na tanong ng anak niya.

Nandito sila sa bahay ng magulang niya at hinihintay si Luis dahil magpupunta silang Manila ngayon. Hindi niya alam kung bakit. Pinilit lang siya ng anak niya na sumama kaya narito siya ngayon.

Ilang linggo na rin mula nang mailabas si Luis sa hospital. Hindi niya alam kung saan ito nagsstay dahil hindi naman nito sinasabi sa kanya. At kahit na gusto niyan itanong, nahihiya naman siya.

"Mommy.." ingit ng anak niya. Lukot ang mukha nito at naglalambing na nakayakap sa kanya. "I head's aching.."

Hinaplos niya ang buhok nito at napangiwi. "Kanila lang ang sigla sigla mo tapos ngayon masakit na ulo mo? Bakit? Inumpog mo ba sa pader?"

Shaya pouted. "Masakit din po teeth ko."

Mas lalo siyang napangiwi dito. "Gusto mo tanggalin natin? Kukuha ako ng sinulid. Itatali ko sa pinto."

Namutla ang anak niya at nagtago sa leeg niya habang nakayakap pa rin sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. Alam niyang nagkukunwari lang ang anak niya.

"Masakit din po tummy ko."

"Shaya. Gusto mong itapon nalang kita sa sapa? Para wala ka ng masakit." pagbabanta niya dito. Pinipigilan niya an tawa niya ng maramdamang mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"A-ayaw ko na pong sumama, mommy. K-kayo nalang po ni daddy." naiiyak na sabi nito. Or should I say, pag-aacting nito?

Natigilan siya at hinarap si Shaya sa kanya. Nag-iiwas ito ng tingin. "Anong sinabi mo, baby?" nanliliit ang mata niya habang tinatanong ito.

"A-ayaw ko na pong sumama, mommy. Madami po akong masakit. My head, teeth, my tummy. Ouch." napangiwi pa ito at napapikit na para bang napakasakit ng iniinda nito.

"Okay." sagot niya at nagliwanag naman ang mukha ng anak niya. Napangisi siya. "Hindi na rin ako sasama. Ayokong iwan ang babay ko."

Bigla namang napasimangot si Shaya. "Nandito po sila dada. Sila daw po mag-aalaga sakin."

Kumunot ang noo niya sa sinasabi ng anak. "What are you planning, baby?"

Nanlaki ang mata nito sa tanong niya. "What? Wala po!"

"I don't believe you, Shaya."

"Wala nga po!"

Magsasalita pa sana siya nang marinig ang busina ng sasakyan. Tumayo siya habang buhat ang anak at binuksan ang pinto. Sakto naman ang labas ni Luis sa kotse nito.

Napatitig siya sa suot nitong white long sleeve polo at black slacks with Italian shoes. Nakasuot din ito ng itim na shades at nakacap na kulay white.

Napakunot ang noo niya sa porma nito. "Really? Cap? While wearing white long sleeve and slacks?"

Ngumisi lang ito at lumapit sa kanya. Tinanggal nito ang salamin at ikinawit sa suot nitong damit. Natigilan siya nang hinalikan siya nito sa pisngi at kinuha si Shaya sa bisig niya.

Nakita niyang may binulong si Shaya sa ama. Napangiwi naman si Luis at tiningnan siya. "Uhm. I think Shaya is not feeling well."

She raised her eyebrows and crossed her arms. "Ede wag na tayo tumuloy--"

"Mommy I am fine naman po with dada. Kayo nalang po ni daddy ang magpunta doon." sabad ng anak niya.

"No." mabilis niyang sagot.

"Yes." saad naman ni Luis at nginisian siya. "Request na ng anak mo oh. Right, Shaya?"

Tumango si Shaya at nagpuppy eyes. She sighed deeply. "Fine."

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon