Chapter 16

42 1 0
                                    


MAKALIPAS ANG DALAWANG buwan mula nang maka-usap niya ang ina ni Luis ay hindi na niya ulit nakita ang binata.

Pag-uwi niya non galing sa pakikipagtagpo sa ina nito ay agad siyang nag-empake at umalis sa bahay nila nang hindi nagsasabi sa pamilya niya kung saan magpupunta.

Pinutol na rin niya ang sim ng telepono at bumili ng bago para hindi siya matawagan ni Luis. Pinaki-usapan rin niya ang mga magulang at kapatid na kung maaari ay huwag ibigay ang number niya kahit anong mangyari.

At ngayon, dalawang buwan na rin siyang delay. Nung una ay hindi naman siya kinakabahan dahil alam niyang hindi naman siya maaaring magbuntis. Pero nitong nakaraang linggo ay nag-umpisa na an pag-susuka niya tuwing umaga. Maselan na din siya mga naaamoy. Madalas siyang gutumin at antukin. Makakaramdam na rin siya ng craving.

"Friend, eto na oh. Nakakahiya naman sayo." sarcastikong saad ng kaibigan niyang si Nj. Nicolai Joy Enriquez.

Ngumiti naman siya at nagtubig ang bagang niya nang malanghao ang amoy ng gatas ng kalabaw. "Thank you, Nj. Dabest ka talaga!"

Nj sighed deeply. "Oh siya. Dalian mong inumin yan. Ngayon yung sched ng check up mo." paalala nito.

Natigilan siya at nalukot ang mukha. "Bakit pa kase 'ko magpapacheck up? Eh alam ko namang hindi ako pweding mabuntis dahil baog ako."

"Eh yun na nga eh. Alam nating baog ka, kaya nga magpapacheck up tayo para malaman kung anong nangyayare sayo. Mamaya magulat ka pa, katulad ka pala ni Mama Mary." nakangising sabi nito sa kanya.

She rolled her eyes. "Sorry ka. Di ako katulad ni Mama Mary. Yon, nabuntis yon kahit virgin kasi pinagpala siya. Eh ako, hindi ako virgin."

Napasinghal naman si Nj. "Dami mong satsat. Dalian mo nalang diyan. Baka malate pa tayo sa check up mo. Buntis!" pang-aasar nito sa kanya.

Sa totoo lang ay kinakabahan siya pero naeexcite naman at nalulungkot. Halo halo ang nararamdaman niya. Alam niyang baog siya pero umaasa siyan sana, sana magmilagro at totoong buntis nga siya.

"Oo nga pala. Kung sakali mang buntis ka, ipapa-alam mo ba sa pamilya at sa tatay niyan?" tanong kapagkuwan ni Nj na nakikiinom ng gatas niya.

Natigilan siya at inalala ang huling text sa kanya ng ina ni Luis. Hindi niya alam kung paano nalaman nito ang numero niya.

Luis and Sofia are already married.

"Sa pamilya ko, oo. Pero sa lalaki na yon, a big big no. Kasal na siya. Ayaw kong makigulo pa." she answered while gritted her teeth.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito pero hindi na nagsalita.

Tinapos na niya ang iniinom at nagpunta na sila sa clinic para sa check up niya.

Habang iniinterview siya ng doctor ay kinakabahan siya. At nang pahigain siya nito sa isang hospital bed at lagyan ng gel ang tyan niya at sinabing,

"Congratulation Misis. You're 2 months pregnant."

Para siyang nanigaw sa kinahihigaan niya at hindi makagalaw. May iba pang sinasabi ang doktor pero hindi na niya maintindihan dahil sa halo halong nararamdaman niya.

Diyos ko, totoo ba 'to? Kasi kung hindi, gisingin niyo na 'ko. Ayokong umasa...

"Oh God! Gracia! I knew it!" ang pagsigaw ni Nj ang nakapaggising ng sarili niya.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now