Chapter 17

39 1 0
                                    

MABAGAL ANG KILOS NI Gracia habang nag-aayos. Nakatingin naman sa kanya ang anak niya na nakabihis na. Inipitan niya ang buhok ni Shaya at nilagyan niya ito ng cap para matakpan ang nakalugay na buhok na umaabot hanggang sa balikat nito.

"Mommy, san po tayo pupunta? I am worried po. Kasi kagabi nung nagising ako narinig po kitang umiiyak."

Napatigil siya sa pagsusuklay at napatingin sa anak niyang naka-upo sa sofa. Hindi niya napansin na nakatulala pala siya habang nag-aayos.

Tinapos niya lang ang pagsusuklay at nilapitan ang anak. "Sorry, baby. Don't worry about mommy. I am okay..."

"Sure ka po, mommy?" paninigurado ng anak habang hinahawakan ang pisngi niya.

Napatitig siya sa anak na alalang alala sa kanya. Hindi niya maitatanggi na kamukang kamuka nga ito ni Luis.

Ngumiti siya sa anak at tumango. Hinalikan niya ito at hinawakan na ang kamay at iginaya paalis. Nagpaalam na siya sa mga magulang niya bago tumulak papunta sa hospital kung nasaan si Luis.

Pagdating don ay pinagsuot niya ng mask si Shaya para proteksyon dahil bata pa ito. Nagtungo siya sa front desk at tinanong ang number ng room ni Luis. Pagkatapos sabihin nito sa kanya. Tahimik silang sumakay sa elevator.

Kinakabahan siya at nanginginig ang tuhod niya. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan. Sinaktan siya ito at pinagsinungalingan. Pero naisip niya na hindi pala sapat na dahilan yon para umalis siya ng hindi nagpapaalam dito. Pero alam din niya na hindi na niya mababalik ang nakaraan. Siguro nga ay nabulag lang siya sa sakit at galit. Idagdag pa ang paki-usap sa kanya ng ina nito.

Nang tumunog ang elevator ay mas lalo siyang kinabahan. Siguro nga ay namumutla na din siya. Paglabas ng elevator ay agad niyang nakita ang ama ni Luis na nasa tapat ng room nito.

Lumakad siya papalapit dito habang hawak sa kamay si Shaya na tahimik lang din nakasunod sa kanya pero palingon lingon sa nakasukbit na bag sa likod dahil nandon ang pagkain na dinala niya para hindi ito magutom.

Tumigil siya sa tapat ng ama ni Luis na nakayuko. Mukhang malalim ang iniisip. Tumikhim siya kaya napa-angat ito ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at natigilan.

"G-gracia.."

"Good morning, Sir." magalang niyang bati dito. Tumingin siya kay Shaya at alam na nito ang gagawin.

"Good morning po." bati din nito sa ama ni Luis. Lumipat ang tingin nito sa anak niya at mukhang naguluhan.

"S-sino 'to, Gracia? A-anak mo?" gulat na tanong nito.

She sighed deeply before nodded. "Yes, sir." tumingin siya sa anak niya. "Shaya, anak, that's your lolo. He is your daddy's dad."

Narinig niyang napasinghap ang matanda. Lumuhod siya sa tapat ni Shaya at tinanggal ang mask nito.

"Jusko..." napahawak sa bibig ang matanda nang makita ang batang bersyon ng anak. "A-apo ko nga, walang duda.."

Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay. Hindi niya intensyon yon pero kusa niyang nagawa. "Nagdududa po pala kayo." sarkastiko niyang sabi dito.

Natigilan ito at ngumiti sa kanya. "H-hindi yon ang ibig kong sabihin, Gracia. H-hindi lang ako makapaniwala na m-may apo ako.."

Lumapit ito kay Shaya at kinandong. Nag-usap ang maglolo kaya nagpa-alam na siya na papasok muna sa kwarto.

"Mommy, nasa loob po ba si Daddy ko?" inosenteng tanong ni Shaya.

She was about to answer when Luis' dad interrupted. "Yes, Shaya. Your dad is there."

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now