Chapter 4

58 2 0
                                    


LUMIPAS ANG ILANG ARAW ay ganon pa rin ang pakikitungo ni Gracia sa kanya. Sa makalawa ay uuwi na siya.

He sighed deeply while laying in his bed. He was about close his eyes when his phone rang. He picked it up and didn't bother to look who's the caller.

"Yes?" bored niyang sagot dito.

"Hi baby. How are you? I missed you already." napabuga siya ng hangin at tumayo sa higaan niya. Naglakad siya papunta sa teresa ng kwarto niya.

"I'm fine. Thanks for asking." papaupo na siya sa isang bench doon nang may matanaw siyang isang pamilyar na madre.

"Oh, baby. Kelan ka pala uuwi? I want to see you." malambing na tanong ni Sofia.

"Sofi, I don't know." palusot niya dahil ayaw niyang makita ang fiancé niya.

Yes, Sofia is beautiful. She's a model of different luxurious brands. But, Sofia is not his type. Hindi niya gusto ang ugali ng babae. Hindi sila magkasundo ng ina niya dahil pinipilit siya nitong pakasalan si Sofia.

"What?! Baby, you are almost there for a week now! Didn't you miss me?" iritang tanong nito. Napahilot siya sa sentido.

He wanted to say No but he know that if he say that, mas lalo lang siya nitong kukulitin. "Yeah..."

"I love you baby.." biglang lumambing ang boses nito. "Okay. I'll hang up now. Bye. I'll see you soon ---"

Nauna na niyang pinatay ang tawag. Ganon naman talaga siya pagdating sa ibang tao.

Napatitig siya sa madreng nakaupo sa isang bench sa baba. Mabilis siyang lumabas ng kwarto niya at tinungo kung nasaan ito.

"--'nay! Hindi no!" tumawa ito. Ang sarap pakinggan ng tawa ni Gracia. "Opo 'nay. Bibisita ako dyan sa linggo pagkatapos magsimba... Miss ko na rin po kayo... Nay naman..." biglang lumungkot ang boses nito.

"Pasensya na po 'nay. Ito po talaga ang gusto ko, ang maging madre. Wag na po kayong maghintay ng apo sa akin dahil hindi ko kayo mabibigyan. Pasensya na po. Matutulog na ako." binaba na nito ang telepono at tumayo na sa kinauupuan. Nagulat ito nang makita siya pero agad ding nag-iwas ng tingin at nilagpasan siya.

"Gracia, wait." pigil niya sa braso nito.

Tumingin ito sa kanya ngunit hindi nagsasalita.

"Okay. I'm sorry kung hinalikan kita nung nakaraan. Ayaw mo kasi akong kausapin ng maayos---"

"So ginawa mo yon para makipag-usap ako ng maayos sayo?" her cold voice sent shivers down on his body. "Ni hindi mo man lang naisip na mababastos mo ko kapag ginawa mo yon!"

Yumuko siya pero hindi pa din binibitawan ang kamay ni Gracia. "I'm really really sorry, Gracia." that's what he can say.

"Sorry? Sorry?! Tingin mo nababalik non yung first kiss ko?!"

Nanlaki ang mata niya at tumingin dito. Hindi makapaniwala sa narinig. "F-first kiss?"

Gracia sarcastically chuckled. "Hindi. Joke lang yon."

"I'm sorry, Gracia. I-I didn't know..."

"Malamang talagang di mo alam! Kasi di mo pa naman talaga ako kilala! Hindi mo ko kilala!" matigas na sabi nito sa kanya.

Naguguiltly siya sa nagawa niyang paghalik niya sa babae. Hindi niya lang talaga napigilan ang sarili niyang halikan ito. Naisip niya yon dahil baka sakaling makipag-usap ng maayos sa kanya si Gracia. Ngunit hindi niya alam na mas lalo pa palang lalala.

"Gracia... I just want to be your friend--"

"Friend pero hinalikan mo 'ko. Wow!" sarkastiko itong ngumiti.Namumula ang mukha nito dahil sa inis.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Where stories live. Discover now