MLWMP 26

1.3K 24 1
                                    

Chapter 26

*Jam's POV*

Pinanood lang naming mawala sa paningin namin si Kevin at si Aya, gusto kong piniglan si Aya, pero naisip ko na eto na siguro yung chance para ma-realize nila na, Kailangan na nilang bitawan ang bawat isa, kasi parehas na silang nasasaktan. 

Bakit? Kasi Nakikita ko naman na mahal parin ni Kevin si Aya, pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon siya ng relasyon kay Nik. 

Si Aya, kahit ano namang mga problema ang dumating sa kanya, kahit na lagi nalang siyang umiiyak , hindi ko alam kung bakit, bumabalik at bumabalik lang siya sa isip na mahal na mahal niya si Kevin. Ang Martyr niya. 

Ako kasi? Ayokong magpaka-Martyr kaya nga si Mark. Akala niyo ba Okay kami? Hindi. Alam ko na my relasyon sila.. Sila ng Pinsan ko na si Cath. Ang sakit lang kasi sa dami-dami ng babae sa mundo sa pinsan ko pa talaga siya nagka-gusto. Pero ayaw naman niyang aminin saken na minahal niya si Cath, dahil tanging ako lang talaga ang gusto niya. 

Ang Gulo, hindi ko alam kung maniniwala ba ako, pero hindi ako katulad ni Aya, hindi ako magpapaka-martyr ang pipiliin parin sa huli ang lalaking nananakit sa kanya. Hindi ko kayang gawin ang ganung bagay. 

"Mauna na ako sa inyo Mark" Paalam ni Luke samin, tumango lang si Mark at ako naman ay nginitian lang siya, Pagka-alis ni Luke at naglakad na ako pababalik sa classroom namin. 

"Jam hintayin mo ako" hindi ko siya pinakinggan at dumiretso lang ako sa paglalakad. 

Hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Eto nanaman kami sa drama niya.

"Jam, hindi mo parin ba ako patatawarin?" Humarap ako sa kanya, 

"Hindi naman ako galit  sayo, bakit ka humihingi ng patawad? Okay naman tayo mark e. Pwede naman tayong maging magkaibigan.." Yun lang ang sinabi ko at pumasok na ako sa classroom. 

Natapos ang klase namin ng hindi pumasok si Aya, ano kayang pinag-usapan nila? Baka naman umiiyak nanaman siya? kaya hindi ko masabi sa kanya na wala na kami ni Mark, dahil masyado na siyang maraming problema. Ayoko ng dumagdag pa.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Mark na nakatayo sa labas, hinintay niya na matapos ang klase ko? 

Nakisabay ako sa grupo ng mga kaklase ko na lumalabas sa classroom, sumiksik ako para hindi ako mapansin si Mark. at buti naman dahil hindi niya ako nakita. Naka-hinga ako ng maluwag.

"Jam?" halos malalag ang puso ko sa gulat! Jusko akala ko si Mark na, si ..

"Tyrone?! Andito ka pala?" Ngumiti siya.

"Yeah, what are you doing?" Napansin niya sigurong nakatago ako sa pader.

"W-wala hehehe" 

"Wanna come with me?" 

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now