MLWMP 16

1.3K 30 6
                                    

Chapter 16

*Aya's POV*

"Anak, manliligaw mo ba yung dalawang nasa baba?" tanong saken ni Mama, Andito ako ngayon sa kwarto ko at nagbibihis, kararating lang namin nila Luke, Dapat nga hindi ko na sila papapasukin dito kaya lang nakita kami ni Mama, sabi kasi nila kanina hahatid lang nila ako, dahil kailangan na nilang umuwi. pero wala talagang tatalo sa kulit ni mama, napapayag tuloy niya yung dalawa dito mag-dinner.

"Ma, Hindi po, kaibigan ko lang po yung mga yun." sagot ko, Ngumiti naman si Mama, 

"Nako anak, naglilihim pa saken, parehas naman silang gwapo e, pero mas bet ko yung naka blue." naka blue? which is si Luke, Natawa ako. 

"Akala ko ba Team Carl ka Ma, hindi ka pala loyal e." pang-aasar ko. Natawa siya

"Oo nga pala hihi, sige na anak at baka nabubulok na yung mga KAIBIGAN mo, Haha" sabay labas niya ng kwarto, talagang naka-emphasize yung kaibigan? haha weird

Pagkatapos kong mag-bihis, bumababa na ko. naabutan ko na naghahanda ng pagkain si Mama, at yung dalawa naman tumutulong. naks.

"Sipag naman.." komento ko, napatingin silang dalawa saken. Kumindat naman ako. 

"Salamat mga  iho, sige na at umupo na kayo.." Umupo naman yung dalawa, tumapat ako kay Luke si Mama naman katapat si Jake.

"So Uhm bakit niyo nga pala kasabay tong anak ko?" Nagtinginan silang dalawa, haha nakakatawa naman sila

"Nakita lang po namin siya sa Park." sagot ni Luke

"Ah Anong pangalan mo Iho." 

"Luke po." naks ang galang! haha lol

"ikaw naman?" 

"Jake po." 

Tumango lang si Mama, pinagpatuloy na namin yung pagkain, si mama lang ang maingay samin. kung ano lang ang kinukwento niya, sa business sa family namin. tango lang ng tango yung dalawa haha. 

"Alam niyo ba , parang gusto ko ang isa sa inyo para sa anak ko, kaya lang ang desisyon at nasa anak ko pa din." natatawang sabi ni mama. nahiya naman ako, magpapaka-choosy pa tuloy ang labas ko. 

"Mom!" suway ko, natawa naman si Luke.

"Pero Tita, malay mo my gusto si Aya sa isa samin haha." Bigla naman akong namula sa hiya, 

"Oh diba? Tita na ang tawag niya saken ahaha." tuwang tuwa si Mom kay luke palibhasa boto siya, kawawa naman si carl , umalis lang e hindi na maka-carl si Mom, hayy namiss ko tuloy yung ugok na yun. bakit ba kasi kailangan pa niyang umalis..

"Pero hindi mo talaga nililigawan tong anak ko?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom kay luke, mas lalo tuloy akong nahiya. 

"Mom, naman e. stop it na nga." pagsu-suway ko, buti pa tong si Jake , hindi nasasalita kumakain lang, mahiya pala sa ibang tao to? pero nung nakasama ko naman siya napaka-alaskador niya at maingay. 

"Hahaha Anak, chossy pa?" Gosh!! Grabe si Mom! 

"Hahaha." tawang-tawa si Luke Grabe!!

"Jake oh, Help me nga." Ngumiti naman si Jake.

"kaya mo na yan Aya." sabi niya sabay patuloy sa pagkaen niya.

"Nagpaparaya na po si jake para saken, " sambit ni Luke, muntikan na kong mabulunan. 

"Ay ganun pa, salamat Jake ah. Pero gwapo karin naman e." sabi ni Mom,  Kailangan ko na talagang bilisan sa pagkaen ko. nako  Buti nalang at natigil na si Mom sa pangungulit tungkol samin ni Luke. hanggang sa matapos kaming kumain. 

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now