MLWMP 25

1.3K 28 0
                                    

Chapter 25

 

*Aya's POV*

Its been..How many days? 8..15. Ewan. 

Hindi ko na matandaan at ayokong ng alalahanin pa. Bakit ba kasi ang kulit ng isip ko, ang gulo ng puso ko.. ano ngayon? 

Nga-Nga. Wasak. 

Akala ko kaibigan ko si Jake. Pero hindi pala.. Umpisa palang nag-plano na sila ni Nik, Great. Just great ang galing nila. 

Kung hindi pa magmamagandang loob si Luke hindi ko malalaman.. 

Naalala ko pa yung araw na nagmadali akong puntahan si Kevin sa likod ng school dahil nga nakipag-away siya at kailangan niyang maglinis. Doon ko nakilala si Jake. Sinadya niya na painitin ang ulo ni kevin, para makita ako, para malaman nila ni Nik kung sino yung paglalaruan nila. Nakakainis sila.. 

Akala ko pa naman tunay ko siyang kaibigan pero hindi..

"Magmumukmok ka nalang diyan Aya?" Napatingin ko sa pinto ng kwarto ko. si Jam pala, 

"Hindi nu, bakit ko naman gagawin yun, hindi na ko yung Aya na katulad ng dati, sandaling araw lang ang naka-lipas nangako ako sa sarili ko na huling iyak na yun. Hindi na mauulet. Nagiisip-isip lang ako" 

"Sure? So tara sa school, mala-late na tayo.." Humarap ako sa salamin at ngumiti.

Kaya ko yan Aya. Ilang araw mo na bang nagagawang iwasan sila? 8? So kaya nating gawing siyam na right? 

"Tara na. besh, GGSS ka nanaman diyan hahaha" Baliw talaga tong si Jam. kamusta kaya sila ni Mark? Alam na ba niya? pero kung alam na niya, alam kong magkwe-kwento siya saken. We're bestfriends 

"Jam.." 

Lumingon siya saken, bago sumakay ng taxi

"Bakit?" Ngumiti ako

"Wala tara na!" sabay pasok ko sa loob, napa-iling nalang siya saken. 

Mukha namang wala siyang problema e.

--

"Hi Girls" Bati samin ni Luke ng makarating kami sa building namin, 

"Bakit ka andito Luke? sa kabila ang building mo ah?" 

"Hindi pa ba obvious besh? Manhid ka? Syempre para sayo duh" Pairap saken ni Jam, natawa naman si luke

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now