MLWMP 28

1.2K 23 1
                                    

Chapter 28

Maagang gumising si Jam dahil may exam sila ngayon sa isang major subject nila, pagkatapos maligo ay bumaba na, hindi niya inaasahang makita ang taong naga-antay sa kanya.

"Oh Honey, gising ka na pala, halika at saluhan mo kami ni Cath sa agahan"

Hindi pa nga siya maka-get over sa nangyari sa kanila sa car park sa mall nung isang araw ay nagpakita naman kaagad sa kanya si Cath, anong gusto niyang ipamukha ngayon? na masaya siya dahil siya ang pinili ni Mark. Napa-irap sa isip si Jam.

"Ano pang tinatayo mo diyan? Diba may exams ka? Dalian mo at baka mahuli ka pa,"

Umupo si Jam sa harap ni Cath, ngumiti eto sa kanya at binati siya ng magandang umaga, 'Hindi na maganda ang umaga ko dahil nakita kita' salita ni Jam sa kanyang isip.

Hindi naman sa bitter siya, sadyang hindi lang talaga niya inaasahan na ang pinsan slash kapatid slash bestfriend niya ang kukuha ng isang taong pinapahalagahan niya si Mark. Okay lang naman na maging masaya sila, pero may kung anong bagay ang bumabagabag sa kanya, lagi nalang ba siya ang nagpa-paraya, simula pagka-bata ay siya lagi ang umaako kapag my nagawang mali si Cath, kapag gusto nitong sumali sa mga contest ni Cath, hindi na siya sasali para manalo lang eto, kapag my gusto netong gawin, puntahan, lagi lang naka 'o sige si Jam. Tapos ngayon, ang lalaking mahalaga sa kanya ay napunta narin sa kanya.

"May problema ka ba anak?" Napansin ni Jella, ang mama ni Jam na kanina pa naka-tulala si Jam at walang ganang kumakaen,ngayon lang niya nakitang nagka-ganyan ang kanyang anak.

Umiling si Jam at tumayo, lumapit neto sa kanya ina at hinalikan neto ang pisngi

"Alis na po ako Mi" Paalam niya, lumapit siya kay Cath at hinalikan niya rin eto sa pisngi.

"Busy ako today Cath, can't catch up with you, Exam day e, need to go" Paalam neto sabay labas sa kanilang bahay.

Iniisip ni Jam na ka-plastikan ba yung pinakita niya kay Cath? Hindi naman siguro diba? Napa-iling si Jam at sumakay ng taxi.

--

"Hindi ka magbre-breakfast?" Umiling si Aya, kinuha niya ang gamit neto at umalis.

Tinext niya si Jam na magkita si mamayang lunch. Gusto niyang i-kwento kay Jam ang nangyari noong isang araw. Gusto niyang mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya.

Paasok na ng gate si Aya ng biglang my humawak sa braso niya. Nagulat siya noong una pero natuwa siya.

"Good Morning Aya"

"Good Morning Tyrone"

Sinabayan ni Tyrone si Aya mag-lakad siya din ang nagbitbit ng gamit ni Aya. Noong una ay ayaw etong tanggapin ni Aya pero dahil nga mapilit at makulit si Tyrone ay pinabayaan na lang niya eto.

"Did you eat your breakfast? You look pale?" tanong ni Tyrone, ngumiti si Aya.

"Namiss ko yang boses mo, pero favor Ty, mag-tagalog ka naman, mas namiss ko yun e" Nangiti si Tyrone,

"I'll Try" tumawa ng mahina si Aya.

"Alam mo Ty, Sana pwedeng balikan ang mga bagay na gusto mong balikan"

"Hey, Cheer up, ang aga-aga oh" Hinawakan ni Tyrone ang pisngi ni Aya.

Bumuntong hininga si Aya.

"Tyrone..I have something to tell you.." Nawala ang ngiti ni Tyrone, nararamdaman niya na may mabigat na nararamadaman ni Aya, Iniisip niya na baka tungkol nanaman eto at Kevin. Naiinis siya kapag puro nalang si Kevin ang iniintindi ni Aya, Paano naman ang mga taong laging nandiyan para sa kanya..In short, Paano naman siya?

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon