MLWMP 13

1.6K 31 4
                                    

Chapter 13

*Aya's POV*

 ~~ Sometimes in life people are worth fighting for. 

Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Kevin, at ang sagot ko, ang tanga ko.. pero alam kong nagmamahal lang ako kaya normal lang yun. Alam kong magagalit saken si Jam kapag nalaman niya ang nangyari at ginawa ko. 

"Uy Aya, anong oras na ba? Grabe ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Jam habang bumabangon sa higaan. Lasing kasi yan. LAHAT sila lasing ay hindi pala, kami lang ni Kevin ang hindi. Paano hindi? Magdamag kaming magkasama kagabi.  Hindi ko alam kung napansin ba nila yun? Bahala na. Basta magdating lang namin ng mga 3am ng umaga, nag-iinuman parin sila. 7am na sila natapos. Kaya ayan. Hapon na hindi parin sila gising. 

"3:oo pm na po." sagot ko tapos bumaba na ko, nakita ko kaagad si Kevin sa kusina. Siya palang wala pang tao sa baba, Siguro katulad nila Jam, bagsak parin sila Mark. jake at yung iba pa. Mga lasinggero kasi e.

"Hi babe." naka-ngiting sabi saken ni Kevin, niyakap pa niya ko, tapos hinalikan ng mabilis. Agad naman akong napatingin sa paligid. Gosh! buti nalang, walang tao. Kundi mahuhuli kami. Inalis ko naman yung pagkaka-yakap niya.

"Baka my makakita saten." sagot ko sabay kuha nung cake na hinahanda niya. mukhang masarap! Nginitian niya ko ulet tapos sinundan ako sa sala. 

"Mga tulog pa sila." pabulong na sabi saken ni Kevin, bigla tuloy akong nakiliti. 

Nagtataka ba kayo kung bakit ganto kami? kagabi, sinabi saken ni Kevin na mahal parin niya ako, pero hindi daw niya kayang iwan si Nik, magagalit ang mga magulang neto at babawiin ang share na binigay ng pamilya ni Nik, malulugi sila kapag nangyari yun, Sabi ni Kevin naiipit lang siya sa sitwasyon kayo no choice , kaya naki-pagbreak siya saken, para lang maniwala ang magulang ni Nik na seryoso si kevin dito. Sabi ni Kevin mag-hintay lang daw ako, at wag mag-alala dahil hindi daw niya mahal si Nik, ako lang daw ang mahal niya, kaya eto pumayag ako na tago ang relasyon namin, Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala sa kanya. pero wala e. Mahal ko si Kevin, lahat gagawin ko para lang hindi siya mawala saken.

 Agad kong tinanggal ang pagkakayakap saken ni Kevin dahil my narinig akong bababa galing sa itaas. Lumakad ako papunta sa kusina.

"Good Morning! Ay good morning ba? Haha." Mukhang my hang-over pa tong si Jake ah. Baliw lang? 

"Hapon na pare." sagot naman ni Kevin. Lumabas na ko sa kusina nagulat si jake sandali lang pagkatapos kinindatan niya ko, tss lasing parin ata to e. Inirapan ko naman siya. 

"Para saken ba yan babes" sabay kuha nung cake na hawak ko tapos kinaen niya. Grr! Baliw talaga to kahit kelan. 

"Eto oh meron pa saken." Nginitian ko naman si Kevin at kinuha yung cake na hawak niya. tapos umupo na din ako.

"Salamat." tipid na sagot ko. 

"Sa wakas , nag-usap din kayo, para kasing hindi tayo magka-kaibigan dito e. ang tahimik niyo sa isa't isa," natatawang sabi ni Jake,

"Nag-uusap din kami minsan, nagkataon lang na hindi mo nakikita." sagot ni Kevin. tumango nalang si Jake.

"Labas muna ko, last day na natin dito diba?" Parehas silang tumingin saken.

"Yap, wag kang lalayo ah." para naman akong bata. 

"Gusto mo ng kasama?" tanong ni Kevin, Lihim akong napa-ngiti, miss na miss niya siguro ako kaya ganyan siya. gusto niya lagi niya kong nasosolo. sasagot na sana ako ng makita ko si Nik na pababa. Napasimangot ako. 

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now