MLWMP 29

1.5K 24 2
                                    

Chapter 29

Maagang nagising si Aya sa tunog ng cellphone niya. Papikit-pikit pa ang mata niya habang kinukuha eto.

"Hello?" Hindi na niya tinignan kung sino ang tumatawag, talagang inaantok pa siya.

(Good Morning baby..Gising na, nagluto ako ng breakfast mo) Agad na nagising ang diwa ni Aya, Tinignan niya ang pangalan ng tumatawag

Tyrone

"Hah?" Nalilito si Aya sa kanyang narinig

(Bakit baby? Hindi ka ba naniniwala na andito ako sa bahay niyo ngayon at nagluluto ng almusal mo?) Natatawang sagot ni Tyrone sa kabilang linya.

Tumingin si Aya sa Orasan na nasa tabi ng kanyang higaan, 6:00am, alas otso pa ang pasok niya.

"P-Pababa na ko" Sagot nito at pinutol ang tawag.

Napahiga sa kama si Aya, Akala niya ay panaginip lang ang nangyari kahit dalawang linggo na ang nakaka-lipas, iyon ang gusto niyang mangyari, Akala niya ay panaginip lang ang pagsagot niya kay Tyrone sa cafeteria. Pinikit niya ang kanyang mga mata.

Hindi niya gustong sagutin si Tyrone.. Hindi niya gusto na maging rebound lang eto. Pero hindi niya alam kung paano babawiin ang kanyang sinabi, ayaw niya na makitang masasaktan si Tyrone, pero hindi ba mas masasaktan eto, kapag pinagpatuloy pa nila ang relasyon nila, dahil una palang naman ay hindi niya eto gusto.

Napadilat si Aya sa narinig niyang katok sa pinto.

"Sino yan?"

"Akala ko ba pababa ka na? Tara na baby"

Bumuntong hininga eto, Mali.. Mali eto..

"baby?"

Tumayo si Aya at lumapit sa pintuan.

"Maliligo lang ako.." sagot nito kasabay ang pag-tulo ng luha sa kanyang mga mata..

--

"baby? Hindi ba masarap ang luto ko?" Napalingon si Aya kay tyrone, kanina pa sila kumaen pero hindi eto umiimik.

Ngumiti siya ng pilit.

"Masarap, Sige na, papasok na ko.. Salamat sa pagkaen Ty" Hinawakan ni Tyrone ang kanyang kamay.

"Hindi pa naman ako nahuhuli diba? Kaya mo pa naman akong mahalin.." Ayaw ni Aya na nakikitang nagkaka-ganto si Tyrone, Napaka-bait niyang tao.

"Ty, Don't worry, I'll do my best to love you.. You can wait right?" Nginitian niya ako.

"Alright, I'll wait baby, I love so much, always remember that.." Hinalikan niya sa labi si Aya, nagulat si Aya pero hindi niya nagawang pigilan si Ty, gusto niyang bumawi rito kaya't binabayaan niya lang eto. Sinabayan niya ang halik na ginagawa ni Ty.

--

*Someone's POV*

Huminto ako sa isang pamilyar na bahay, hindi na ko kumatok dahil bukas ang gate neto, dahan-dahan kong binuksan ang pinto, kitang-kita ko si Aya, at si Tyrone. fck. Naghahalikan ba sila?

kaagad kong sinara ang pinto at naglakad papalabas ng gate, T*ng ina, late na ko, nalason na ni Tyrone ang utak ni Aya, dapat ay gumawa na ko ng aksyon.

Maling-mali ang nangyayari eto.

Huminto ako sa isang bahay kaagad akong pumasok sa loob neto, at dumiretso sa isang kwarto.

"What the fck! Anong ginagawa mo dito?!"

"I need your help"

"Help? What the hell, tigilan mo nga ako, nasabi ko na sayo ang lahat, kaya okay na yun, so better leave me alone you maniac! kita mong nagbibihis ako!"

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon