Special Chapter (3)

1.3K 26 0
                                    

Special Chapter part 3

A’n: Okayy nasa part 3 na tayo.. probably the last part.. sana!
~~

Niyakap akong ng mahigpit ni Tyrone, pagkatapos ko siyang makita sa labas ng Constantine company.

Nginitian ko siya. Kumunot naman ang noo niya saken.

“Is there any problem baby?” Kinagat ko ang labi ko, mabilis talaga niyang nararamdaman kung may mali saken o wala. Hindi ko alam kung paano pero siguro sadyang madali lang mabasa ang bawat galaw ko.

Umiling ako at pinilit na ngumiti. Bumuntong hininga lang siya at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Tahimik kami buong biyahe. Kinagat ko ang labi ko, nangako kami sa isa’t isa na walang sekreto pero hindi ko naman masabi sa kanya na nagkita kami ni Kevin. Ayoko din naman tanungin na napadalhan ba niya ng imbitasyon iyon.

“I don’t like this silent treatment baby.. Please tell me what’s bothering you..” Niligon ko si Tyrone, dahil naka red ang stop light ay nakatingin siya saken, nakikita ko sa mata niya ang pagsusumamo.

Ngumiti akong muli.

There is nothing bothering me baby.. I’m just tired..” Bumuntong hininga siya pinaandar na ang sasakyan. Tumingin ako sa labas. Bakit ganto yung nararamdaman ko? Mali ito.. hindi ito dapat.. mahal ko si Tyrone.. mahal ko nga ba? Sht! Bakit hindi na ko sigurado sa nararamdaman ko?

Pagkadating na pagkadating namin sa condo ay kaagad siyang dumiretso sa kwarto, ako naman nagpunta sa kusina para magluto ng dinner namin. Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako pero hindi parin lumalabas ng kwarto si tyrone. Gusto ko siyang puntahan pero natatakot ako sa maari niyang sabihin saken, paano kung magtanong nanaman siya kung ano bang problema ko? Paano ko siya sasagutin.

Kinagat ko ang labi ko, inhale.. exhale.. kaya mo to Aya. Mahal mo si Tyrone… kung anuman tong nararamdaman ko para kay Kevin ay.. ano? Hindi ko maipagliwanag. Kumatok ako bago buksan ang pinto. Nakita ko siyang nakatayo sa verdana, nakatulala.

“K-kakain na tayo baby.. tara na..” nilambingan ko ang boses ko. Lumingon siya at tumango.

“Susunod ako..” malamig na sabi nito. Ngumiti ako at lumabas na ang kwarto. Maya-maya ay lumabas narin siya. Umupo siya sa harap ko, kaagad ko naman siyang nilagyan ng kain at ulam.

“Niluto ko ang paborito mo dahil alam kong pagod ka sa trabaho.. let’s eat baby?” Pambasag ko sa katahimikan niya. hindi ako sanay na tahimik siya, simula nung naging mag-fiancée kami ay siya na ang maingay saming dalawa, palagi siyang may mga kwento, at siya din ang naglalambing saken..

Bumuntong hininga siya.

“I don’t want to be mad at you.. I love you so much..” bulong nito na siyang nagpatigil saken sa pagkaen. Napaawang ang bibig ko.

“W-why are you mad baby?” kagat labi kong tanong.

“I don’t know baby.. I don’t really know..” mahinang tugon nito, nagpatuloy nalang ulit siya sa pagkaen, ganun din ang ginagawa ko.

Pagkatapos ay ako na ang naghugas ng pinggan, nanonood naman siya sa sala. Ngayon ko lang naramdaman yung ganto, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Sht!” malutong kong mura dahil nabigla ako kay Tyrone na ngayon ay nakayakap galing sa likod ko.

Sorry.. nagulat kita baby..” malambing na sabi nito,

Okay lang baby.” Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Muntikan ko na tuloy mahulog yung pinggan!

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now