MLWMP 18

1.3K 26 4
                                    

Chapter 18

*Jam's POV*

"Oh Gosh! Jam Look!!" Hila-hila ako ni Cath papunta sa isang store na puro bags, mahilig talaga siya dun. tinignan ko naman yung cellphone ko, bakit hindi parin nagtetext si mark? Nakapag-enrol na ba siya? kung i-text ko kaya? Pero sabi saken ni Aya noon, hayaan daw na lalaki ang unang nagte-text sa babae. hayy kainis. 

"Uy!! nakakainis ka naman Jam e. " sabay pout niya. 

"kanina pa kita kinakausap kung ano ba maganda sa mga ito, hindi ka naman sumasagot" ngumiti ako, bilis talaga magtampo ng babaeng ituu haha cute! namiss ko siya sobra. 

"Sorry na cathy ko. haha etong color brown maganda! promise!" sagot ko, inirapan naman niya ko, haha sanay na ko sa kanya ganyan yan kapag hindi ko pinapansin. 

"pasalamat ka Jam namiss kita kundi magtatampo talaga ako sayo ng sobra" sabay kuha niya nung brown na bag na tinuro ko at pumunta siya sa cashier para bayaran niyon. 

"Tara sa starbucks! nag-crave ako sa Caramel Ribbon Crunch Frappuccino! " Syempre hinila nanaman niya ako, grabe talaga tong babaeng to. 

Pagkadating namin umorder na kami.

"Sarap talaga!!" Nginitian ko lang siya. 

"Alam mo Jam, kanina ko pa napapansin, nung nasa school pa tayo, lutang ka be anong problema?" 

"Wala naman akong problema Cath, ano lang hmm. medyo hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." pagsisinungaling ko. 

"kung hindi ka pala nakatulog ng maayos kagabi dapat nag-text muna tayo, ikaw talaga. " ngumiti lang ako. 

"Teka Jam, wala ka bang napapansin saken?" napa-kunot ang noo ko, wala namang pinagbago ang itsura niya ah. 

"Ah wala hehe." 

"Awww ba yan Be! Haha blooming ako!" natawa ako. luka talaga.

"Hahaha yun ba? Hindi ko napansin hahaha sorry. " nag-pout naman siya. 

"Badtrip to." natatawa parin ako. 

"Sorry na Cath, bakit ka ba blooming hah? don't tell me my boyfriend kana?" pagbibiro ko, kilala ko si cath napaka-choosy niyan sa lalaki, kahit gwapo na e pinag-iisipan parin niya kung sasagutin niya. dapat grab the chance na diba? hahaha. 

"Actually, Hindi ko pa siya boyfriend hihi, magiging palang hahaha" hayy sabe na eh choosy parin siya, pero atleast my balak na niyang sagutin yung iba kasi e pinaasa lang niya haha

"Edi maganda Haha, at last magkaka-boyfriend ka na!" biro ko. pinalo naman niya ako.

"Eto naman baka marinig ka nila, malaman pa nilang choosy ako." 

"Totoo naman be bakit itatago mo pa. haha" 

"Kung sabagay," sabay apir pa namin, kalog talaga to kaya nakakamiss e. 

"Eh teka ano bang name hah?" namula siya. wow in love ang lola mo. 

"Ma--"

*RingRing*

"Ay excuse me lang jam." sabay tayo niya at lumabas manliligaw niya siguro. hmm. 

kinuha ko yung cellphone ko, hindi ko na siya matiis matawagan nga. 

 The number you have dialled is busy at the moment please try again later.  The number you have dialled is busy at the moment please try again later. 

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now