Chapter 20

60 1 0
                                    

CHAPTER 20

Jana Maries's POV

"Sorry talaga, Jam."

Hay nako. Heto na naman si Mitch.

"Pinigilan ko si James na makausap ka no'n. Pero bumawi naman ako nung fieldtrip 'di ba?"

Kanina pa siya sorry ng sorry sa akin. Sinabi ko naman sa kan'ya na hindi naman ako galit. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to. Napakaparanoid.

"Ano ka ba? Okay na nga eh. Ang mahalaga naman ayos na kami ngayon. Tsaka alam ko naman na ako lang ang inaalala mo, kaya pwede ba, Mitch? 'Wag kang OA d'yan." Pagkasabi ko no'n ay nagmake face naman s'ya.

"Grabe ka talaga sa akin!"

Nginitian ko lang s'ya. "Labs mo pa din naman ako kahit gan'to ako eh."

"KAPAL!!" And she rolled her eyes at me. How dare her!! HAHAHAHA

"Pero maiba tayo. Nakausap n'yo na ba si Bianca?"

Tch! Heto na ang iniiwasan kong topic eh. Pero alam ko naman na eventually haharapin ko din 'tong issue namin ni Bianca. Wala pang nakakaalam sa school na kami na ni James at ang alam ng lahat ay sila ni Bianca at engaged na sila. Natatakot din ako para kay James eh. Baka kasi kung ano ang sabihin ng mga tao sa kan'ya. Lalo na sa panahon ngayon. Puro mapanghusga ang mga tao.

"Hindi pa nga namin siya nakakausap eh. Sigurado naman na masasaktan 'yon ng sobra."

"Malamang! Jusko, asang asa na yung tao na ikakasal sila. Pero kesa naman umasa siya sa wala 'di ba? Mas magmumukha siyang kawawa at katawa-tawa."

"Pero alam mo yung feeling na parang ang sama sama ko? Gano'n yung feeling eh."

"Nakokonsensiya ka?" Tanong ni Mitch, nanlaki pa yung mata niya sa sobrang carried away.

Tumango naman ako.

"Nakokonsensya ka pala, edi sige, pabayaan mo nalang matuloy yung kasal nila para wala kang dinadrama dyan!" tuloy tuloy niyang sabi sabay kagat sa burger niya.

"ASA!"

Medyo napalakas pa yata ang pagkasabi ko kaya napatingin ang ibang mga estudyante sa akin. Nasa cafeteria kasi kami.

Nagpeace sign na lang ako sa kanila. Grabe! Nakakahiya yun!! T.T

"Bwiset ka talaga Mitch!"

Ugh! At ang bruha tawa pa ng tawa! Kaines!!

"HAHAHA. Epic kasi 'yang mukha mukha mo. Para kang kamatis sa sobrang pula! HAHAHA."  At tuwang tuwa talaga siya ano?

Bigla naman siyang napatigil sa pagtawa. Parang nagfreeze siya bigla. Naka nga-nga pa naman siya dahil tawa nga siya ng tawa kanina. Nakakatawa nga yung mukha niya eh! Parang pusa na hindi mapatae. HAHAHA.

Bigla na lang siyang ngumuso-nguso sa may likod ko na parang may tinuturo kaya lumingon naman ako.

Nakita ko si James sa may pinto ng cafeteria, parang may hinahanap.

Ako kaya? Hindi niya naman kami makita kasi medyo madaming tao ngayon sa caf. kaya tumayo na ako tapos kumaway sa direksyon niya.

"James!!' sumigaw na ako para mapalingon siya kung nasaan kami.

Nakita naman niya ako agad kaya ngumiti siya sabay nagpunta do'n sa table namin at umupo sa tabi ko.

"Hi Mitch! :D" Kelangan talaga sobrang energetic ng pagbati niya kay Mitch?

"'Sup!" Ew Mitch, pacool. Hindi bagay.

Nagdaldalan lang yung dalawa habang tinitira ko yung inorder kong fries. 'di na 'to masarap kapag malamig eh. Sarap na sarap ako sa fries kaya hindi ko na pinansin yung dalawa.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon