Chapter 11

37 3 0
                                    

Kay Jam munang POV ha? Reklamo naman si James, ayaw daw nya maexpose ang thoughts nya. Kainis eh. Arte. XD

Jam's POV

Days passed at mas naging close pa kami ni Pau. Mabait sya, sobra! At ang sweet pa. Siguro nga sya yung secret admirer ko?

Wow ahh. Ang feeling! XD Pero oo hanggang ngayon, di padin tumitigil yung 'secret admirer' ko daw.

"Dear Jana, Im happy whenever I see you smile. You turn my world upside down. It simply isn't the same without you. You Complete Me. Love, your secret admirer" si Mitch yan. Binabasa nya yung letter na galing kay SA (secret admirer). Naging hobby na ng babaeng to na pakealaman ang locker ko eh.

"Wow Jam. Ang cheesy lang talaga. Kelan kaya magpapakilala 'tong secret admirer mo?"

"Ba ewan ko dyan." Simpleng sagot ko.

"Ay hindi, mali yung tanong ko eh. Ulitin natin. Kelan kaya aamin si Paulo na sya 'to?"

Napasmile naman ako. Tch. Parang tanga lang eh. Minsan talaga diko maiwasang mapasmile nalang.

"Hindi naman nga sya yan eh."

"Alam mo ikaw? Ang plastic mo!" sabay hampas pa sya sakin "Sa susunod nga kung magdedeny ka, pigilan mo mapangiti ha? Nasabi lang na Pau eh, kinilig ka naman"

Oh sige na. Si mitch na ang alam ang lahat ng nararamdaman ko. Alam nya pa sakin eh. -____-

"Jam!" sigaw yan ni Pau mula sa dulo ng corridor

"Oh ayan na pala ang 'Oh-So-Gwapo' na si Pau. Bru yung panty mo baka malaglag. Pakisecure." -Mitch

"Baliw." yan nalang nasabi ko. Nandito na kasi si Pau sa tabi ko.

"Ano namang pinaguusapan nyo? Pwede makijoin?" -Pau

"Sure! Kanina ka pa nga nito hinihintay eh." sagot ni Mitch sabay turo pa sa'kin.

Inirapan ko naman sya. "Shut up Mitch."

"Ay nga pala. Jam, may game kami sa wednesday 8AM. Punta ka ha? Hihintayin kita. Okay?" -Paulo

Pupunta ba ako o hindi? Hmm. "Sige sure." -ako

"Sige. See you sa game! Alis muna ako ha? May practice pa kasi kami. Tumakas nga lang ako eh. Ill pick you up later. Hatid kita sa bahay nyo. Okay lang?" tanong nya in a very cool way.

Yan naman ang gusto ko kay Pau eh. Laging confident and straight to the point.

"Okay. Bye ingat ka nalang." sagot ko saka na sya tumakbo paalis.

"Ang ganda mo girl!!" sigaw naman ni Mitch pagkaalis ni Pau "Ano bang gayuma ang ginamit mo dun? Hindi padin ako makapaniwala eh. Ang gwapo. Shemay! Kelan mo ba sya sasagutin ha?!"

O.A din tong si Mitch minsan eh.

"Hindi man nga nanliligaw eh. Pano ko sasagutin? Konting isip nga Mitch" Whahaha. Biruan lang namin yan ahh. Baka isipin nyo maldita ako.

"Ouch ahh." umarte arte pa sya na parang nahurt talaga sya. "Alam mo ganda gandahan ka pa eh. Hindi pa ba ligaw yun? Hatid sundo sa bahay, lagi pa kayo sabay maglunch. Ininvite ka pa personally sa game nila. Eh ano pala tawag dun?"

"Eh wala naman nga kasi syang sinasabi na manliligaw sya."

"So ibig mong sabihin kapag nanligaw sya sayo sasagutin mo talaga sya?" tanong ni Mitch na parang may halong pagtataka. Ano naman nakakapagtaka dun diba?

"Eh pano si James?" -Mitch

Si James? Oo nga pala. Muntik ko na sya makalimutan.

Pero kapag naaalala ko sya ganito parin pakiramdam ko. Parang di ako makahinga. Yung parang any moment iiyak nanaman ako.

Buwang naman kasi tong si Mitch eh. Pinaalala pa. Nabother tuloy ako. Mahal ko pa ba si James?

Eh pa'no si Paulo? Tama ba to? Pinapaasa ko si Pau habang ako umaasa pa kay James.

Pero masaya ako pag kasama ko si Pau. Never nya ako sinaktan o pinaiyak. Alam ko importante ako kay Pau. Kahit hindi nya sakin sabihin. Nararamdaman ko naman yun. Bakit Mitch? Bakit ginulo mo nanaman ang isip ko? Tama bang ipaalala si James? =____=

"Edi natameme ka dyan!" -Mitch

"Ha? Hindi no. May naisip lang. Psh, si James? Ano ka ba, past is past nga diba?" pagdedeny ko naman

"Uweh? Hmm. Mga denials mo sa buhay Jana Marie ha!"

"Totoo nga. Tch. Nako, iwan na nga muna kita dyan. Alis muna ako."

"Oh san ka naman pupunta?"

"Dyan dyan lang. Sa paligid" pagkasabi nun eh tumakbo na ako palayo. Kailangan ko ng hangin --ng Breathing space.

Ayan nanaman eh. Maiiyak na naman ako. Medyo nanlalabo na yung mata ko eh. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Kung saan lang ako dalhin ng mga paa ko.

"Aray." malas oh. May nabunggo pa ako. "Sorry po" sabi ko nalang dun sa nabangga ko.

"Ayos lang

.

Jam."

Wait tinawag nya yung pangalan ko. Tama ba ang dinig ko?

"Kilala mo .. Ako?" sino ba 'to? Ngayon ko lang sya nakita ahh. Bakit nya ako kilala?

"Ahm. O-oo. Medyo." nagsstammer pa sya magsalita. "Sige babye!" aktong aalis na sya pero hinawakan ko sya sa braso.

"Wait lang. Anong pangalan mo?"

"Stephen. Ako si Stephen."

Saka na sya tumakbo paalis. Ang dami na talagang weirdos sa mundo ngayon.

Pero cute sya ha! Kahawig ni James. Hihi. Landi ehhh

"Aii nako. James nanaman? Arghh. Kainis! Babalikan ko na nga si Mitch."

-----------

Guyth. Wag nyo ako papatayin sa mga utak nyo dahil sa ginawa ko ha? Libre sapak nalang. XD

Sino ang secret admirer? Sino si Stephen? Si Paulo na ba talaga? Pano na si James? Hala! Sumasakit ang ulo ko. -___-

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon