Chapter 6

40 2 0
                                    

To Ate Bianca, kasi po kaname nyo yung kontra bida dito eh hahaha! Pero She's Dating the Gangster ang pinakanauna kong nabasa na Novel dito kaya para sa iyo to ate

Jam's POV

Halos two weeks na kaming hindi naguusap ni James. Simula nung dumating sila ni Bianca ng araw na yun.

Ay Mali. Nagusap pa pala kami...

Nung birthday ko.

//Flashback//

Aug 16

"Ma, bakit nyo pinatay yung laptop ko? May dinodownload ako eh." nakatulog ako habang nagdodownload. Pinatay ni Mama. 3hrs ko hinintay yon eh. T.T

Lumabas sya mula sa kusina

"Jam, gising ka na? Bakit ang aga?" namo tong si mama. Bakit parang ayaw nya ako magising?

Hmm. Ang bango! "Ma, amoy cheesecake! Ang tagal mo ng hindi nagluluto nyan ahh?"

"Special kase ang araw na to."

"Ha? Baket po? Ano meron ngayon?" kayo ba alam nyo kung ano meron today?

"Hindi mo ala--"

"JAAAAAM!" si Mitch. Patakbo sya pumasok ng bahay at niyakap ako.

"Napano ka?" tanong ko habang tili sya ng tili sabay ngiti ng wagas.

"Namo to. Ampublema mo? Makangiti ka wagas." =____=

"Na, dimo alam?" tanong ni Mitch.

"Nako hindi nya alam, Mitch." sabat ni mama. "Lika Mitch. Sa kusina tayo. Nagluto ako" At nagpunta sila sa kusina. Iwanan ba daw ako? (_ _")

"Oy ano ba meron kase? Tss"

*Ring*Ring*  

0917******* Calling ...

Si James? Bakit kaya natawag to?

"Yo." sagot ko. "Natawag ka?"

Psssh. Natawag nga. Di naman nagsasalita. Leech.

"Kung wala kang sasabihi--"

"Happy Birthday Jam. Sige Bye." *toot*toot*

Ansabe? Birthday?

"Ma. Anong date ngayon?" sabay takbo ako sa kusina.

Saktong pagpasok ko naman sa kusina ay...

"Happy Birthday JM!"

Waaaahhhh. Birthday ko pala! Grabe. Nandito sila. Mga classmates ko. Pati ibang kamag-anak.

"Ma naman eh!" bakit ko nalimutan birthday ko nga pala ngayon. 17 nako. "Thank You guys. Naappreciate ko." niyakap ako ng mga classmates ko at nagabot ng mga regalo. Huhu. Ate author naman. Bat dimo ako niremind. Nasurprise tuloy ako.

(A/N: Namo tong si Jam. Sisisihin pako? Luuuuhhh)

"Hep. Meron pa." Mitch

"Ha? Anong meron pa?"

"Happy Birthday princess." teka, kilala ko ang boses na yun. Umikot ako para makita ang tao sa likod ka.

"Oh my.. Oh my!" Tumakbo ako at niyakap sya.

"PAPA!" grabe. ang saya ko. "Pa naman. Kelan kapa nakauwi?"

"Kagabi pako. Tulog na tulog ka na eh. Hindi na kita ginising."

Grabe. Kumpleto na ang birthday ko! :))

Aii mali...

May kulang pa pala.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon