Chapter 25

5 1 1
                                    

CHAPTER 25

JANA MARIE

"Ano na kayang nangyari do'n sa dalawa?" Kating-kati akong sundan si Mitch sa parking lot pero ang sabi ng KJ na si James ay 'wag daw kasi baka masira ko lang ang moment ng dalawa.

Nagkibit balikat naman siya. "Ewan"

"Hayy, sana maging okay na sila." Ni-link ko yung kamay ko sa braso niya. "Thank you pala. Kahit anong pilit ko ayaw niyang sumama sa akin e. Buti nalang sumama siya sa'yo. I owe you."

"Mmkay."

Ano 'yon? Puro one word ang sagot? Cold treatment, ano na naman bang problema nito? May nagawa ba akong hindi maganda? Kahapon pa siya hindi makausap ng maayos. Nakakainis.

Hinatid na niya ako. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang makadating na kami sa bahay.

"Salamat ulit."

"Sige." Pumasok na ako sa gate. Hindi kasi siya aalis hanggat hindi ako nakikitang nakapasok. Kaya ng makapasok ako ay nagsimula na siyang mag-lakad palayo.

"Ugh, James!" Sigaw ko sa kan'ya. "Gusto mo bang mamasyal ngayon weekend?" Nagyon lang kasi kami nagka-chance na lumabas. Saka simula nung naging kami ay hindi pa kami nakapagdate. :(

Hinarap naman niya ako. "Okay." Tapos tumuloy na siyang lumakad patungo sa kanila.

"Hintayin kita okay? Bukas ng umaga. Bye!" Pahabol na sigaw ko.

Hindi na siya lumingon. Tinaas na lang niya ang kamay niya, senyales na okay at narinig niya yung sinabi ko. Ano kayang problema niya? Hindi ko maiwasang malungkot dahil gano'n siya sa akin pero inisip ko na lang na baka hindi parin maayos ang pakiramdam niya kaya siya walang gana kapag kakausapin ko. Hayy.

As expected, tumawag si Mitch at pinagalitan ako. Ako ba daw ang nakaisip nitong pakulong set-up na ito? Hehe, sorry na nga! Ang point kasi do'n e yung mag-alala talaga siya at importante ang bawat sandali kaya dapat ay kung mahal niya e sabihin na niya agad! 'Wag na magpabebe ba, hindi ba?

"Oo na nga! Sorry na. Atleast, 'di ba? Finally kayo na. Ayaw mo kasi sa akin maniwala e. As if naman magsisinungaling ako tungkol sa gano'ng bagay." Sumbat ko.

"Kaya nga sorry na rin and thank you, Jam. Hindi pa rin ako makapaiwala sa mga nangyari ngayong araw." Habang sinasabi niya 'yon ay parang naiimagine ko siya ngayon na tulala sa kwarto niya at hindi pa rin makapaniwala kung totoo nga ang lahat ng nangyayari.

"Gaga, magpasalamat ka nalang. Kasi mahal ka rin nung mahal mo."

Tumawa siya. "Oo nga."

"Sige na, good night na rin. Napagod rin kami sa paghahanda ng surprise mo! Haba kasi ng hair mo e!" Natatawa kong sabi. "Bye, Mitch! Congratulations."

Ang saya lang. Kasi finally, happy na ang lovelife ng friendship ko. Pero kami naman yata ni James ang hindi okay? Wala naman akong maalala na ginawang masama e. Baka nga masama lang talaga yung pakiramdam niya? Tama! Dapat good vibes lang. Bukas magiging okay rin :)

WEEKEND (Hurray! First Date)

"Saan tayo pupunta?"

"Ikaw ba saan mo gusto?"

"Ikaw na lang bahala."

Nakakainis! Napaka-passive pa rin ni James. Hindi pa rin ba okay ang pakiramdam niya? Dapat ba pinagpahinga ko nalang siya kesa pinilit na magkita kami ngayon? Parang ayaw naman kasi talaga niya e. Hayy.

Pero since nandito na rin naman, kailangan magenjoy kami! Mamaya magiging okay din yang si James. Sana..

"Sa mall nalang tayo! 'Di ba may bagong movie ngayon?"

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon