Chapter 17

27 1 0
                                    

Chapter 17

**Sunday, @ SM

So its Sunday today, naisipan kong igala ang sarili ko. Wala lang, for fresh air. The past few months puro stress na lang ang pumapasok sa sistema ko. Hindi ba nagdecide na ako to be happy? To move on? Mahirap pero I have to, what choice do I have? Wala.

Pasakay ako ng elevator ng may Makita akong familiar na babae.

“Ate Jam!” Oh my g, akalain mo nga naman ang swerte ko.

“Sophie?” Meet Sophie, ang bunsong kapatid ni James.

“Ate, ang tagal na kitang hindi nakikita! Bakit hindi na kayo magkasama ni kuya?” close kami ni Sophie. Madalas naming siyang nakakasama dati ni James sa mga lakad namin. Namiss ko din naman ang makulit na batang ‘to. Hayy. Reminisce na naman ba?

“Buti nga nakita kita dito no ate?”

“Kaya nga. Buti nagkita tayo.” Kinurot ko sya sa cheecks, “miss na kita, Sophie kuliiiiiiit!” nakakagigil ang cheecks nya. Hahaha. Medyo chubby kasi ang batang to. (Actually di naman talaga sya bata. 12 na sya pero ang cute nya lang talaga. Mehehehe.

“Aray ate, Mashakeeet” sabay rub pa sya sa mga pisngi nyang parang siopao.

“Ano bang bibilhin mo? Bat napadpad ka dito ng magisa? Tara samahan na kita. Wala din naman akong alam gawin eh.” Naglakad lakad kami papunta sa department store.

“Eh. Si mama kasi,” may pakamot kamot pa sya sa ulo na nalalaman. Pareho talaga sila ng mannerism, magkapatid nga talaga sila. “Pinapabili ako ng ipangreregalo sa family ni ate Bianx. Sa Saturday kasi pupunta kami sa kanila para official na hingin ang kamay ni ate Bianca sa parents nya.”

“Ha? Anong hingin ang kamay?” hingin ang kamay? As in mamanhikan ganun? What?

“Ano ka ba ate? Hindi mo ba alam? Bestfriend ka ba talaga ni kuya o ano?”

“Ano kasi eh.” Napaiwas ako ng tingin. “Medyo hindi kasi kami nakakapagusap ni James ngayon eh.”

 “Ah ganun ba? Sabagay baka busy siya dun kay ate Bianx, lately nga sila ang magkasama. Ayoko sa kanya ate, ang arte eh. Pag nakatingin si kuya kunwari ang bait nya. Pero pag wala si kuya, ayyyy nakakagigil! Sarap kalbuhin eh. Dapat ikaw nalang ate eh. Mas okay si kuya nung kayo magkasama.”

Natawa naman ako kay Sophie. Galit na galit eh. Mhehehe. Sa akin boto ang kapatid! XD pero yung kuya, hindi ako ang type =____= What a life. Pero wait lang naiintriga pa rin ako dun sa hingin ng kamay thingy eh. Diba sa mga mag boyfriend/girlfriend yun? Nakakacurious, hindi na talaga ako updated sa buhay ng “Bestfriend” ko.

“Pero, Sophie, anong hihingin ang kamay? Ni Bianca? Bakit?”

 “Siryoso ate, hindi mo talaga alam?”

“Hindi eh. Ano bang meron?”

“Alam ko ina-nnounce na ni ate Bianca eh. Nung birthday ata nya. Nandon ka rin nun ate diba?”

“Ah, oo nandon ako, pero umuwi ako agad eh.”

“Ah. Kaya pala. Baka hindi mo na inabutan. Naku buti ate umuwi ka nun. Hindi mo nakita ang epic announcement ni ate Bianca. Bruha talaga yun, agad agad naipagkalat nya, atat lang?!” ang dami naming commercial magkwento nitong si Sophie. =___= Ang opinionated massyado eh. Pambihirang bata. Haha.

Patuloy lang sya sa monologue nya. Ang bilis nya nga magsalita eh. Wala na akong maintindihan. “Agad agad na-announce nya. Kalokohan na yan. Di pwedeng maghintay?” Naghy-hysterical na talaga si Sophie. Ang cute nya tuloy lalo. “17 pa lang sila eh! Anong klasi yun?  Eh hindi ko nga naalalang nagligawan sila. Hindi ko nga alam bat atat sila eh. As if naman pwede yun eh minors pa sila. Aynakooo. Nakakastress din si kuya minsan no?”

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon