Chapter 24

17 1 0
                                    

CHAPTER 24

James'

Nahihilo ako. Tiningnan ko ang relo sa kwarto ko. Alas singco pa lang ng umaga.

Anong nangyari?

Nakita ko si Jam sa gilid ng kama ko. "James!" Nagising ko ata siya. Nakatulog kasi siya sa study table ko. "Mabuti naman nagising ka na! Wait tatawagin ko sina tit--"

"'Wag." Mahinahon kong sabi. "Anong nangyari?"

Nangilid naman ang luha sa mata niya. Pinipigilan niyang umiyak."Bigla ka na lang namutla tapos nawalan ka na ng malay. Bumagsak pa nga ang ulo mo sa sahig. Mabuti na lang hindi napano. Nag-alala talaga ako ng sobra! Nakakainis ka."

Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Shh." Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa mata niya. "It's okay. I'm fine. Sorry kung nag-alala ka." Marahan ko siyang hinila at niyakap. "Bakit hindi ka umuwi? Baka hinahanap ka na ng mama mo."

"Nagpaalam ako na dito ako matutulog. Gusto kitang bantayan."

Pinitik ko naman siya sa noo. "May pasok tayo ngayon, ano ka ba? Male-late ka na." Tumayo na ako. "Tara, ihahatid na kita sa inyo para makpagbihis ka."

"Hindi. Ayoko. Dito lang ako. Babantayan kita."

"Okay na nga ako. Sira ka ba? Aabsent ka para sa'kin? Baliw."

"Ayoko nga e."

"Papasok na din ako."

"Hindi pwede! Hindi ka pa okay! Baka mapano ka lang. Ang putla mo pa kaya." Naiinis siya.

Okay lang naman ako. Hindi naman niya kailangan mag-alala pa ng sobra.

"Ganito na lang. Pumasok ka. At ipag take mo ako ng notes." Nginitian ko siya. Sana naman makumbinsi ko siya. "Paano ako kung wala akong kokopyahan ng notes? Baka mazero ako sa test. Sige ka. Kasalanan mo kasi umabsent ka din."

Nagpout naman siya. "Nakakainis naman e. Bakit ba tama ka lagi?"

"Gano'n talaga." I laughed.

Wala din siyang nagawa. Umuwi na siya para magbihis. Naiwan naman ako sa bahay dahil ayaw pa akong papasukin nina mama sa school.

Ano kayang ginagawa ni Jam? Sana okay lang siya...

Jana Marie's

Pinag-alala talaga ako ng James na 'yon! Bigla bigla nalang mawawalan ng malay. Kainis. Hindi niya ba alam na muntik na ako atakihin sa puso dahil sa sobrang kaba?

Umuwi ako. Naligo at nagbihis para makapasok pero bago 'yon ay kinausap ko muna sina tito at tita na pagbawalang pumasok si James. Kilala ko 'yon. Matigas ang ulo niya. Baka mamaya biglang pumasok.

Nanlulumo akong pumasok sa school. Walang James na kasabay at walang James na makakadaldalan kapag vacant. Hayy.

"Aba, bakit mag-isa ka? Nasaan ang boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Mitch pagpasok ko ng room

"May sakit. Hindi makakapasok." Walang ganang sagot ko naman.

"T-teka!" Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko. "Mitch?!"

"O, bakit?" Walang ganang tanong niya.

"Hindi ka na galit sa'kin?"

Dahil sa pagkawalan ng malay ni James, nawala na sa isip ko na hindi nga pala kami bati ni Mitch. Isa pa, ngayon lang naman kami nag-away ng ganito katagal.

"Ang gaga mo friend." Nginitian niya ako. "Feel mo ba talaga mas pipiliin ko ang boys over you?" Nilapitan niya ako. "Medyo nainis lang ako no'n. Sorry ha."

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon