Chapter 12

23 2 0
                                    

Jam's POV

Binalikan ko si Mitch pero wala na sya dun sa corridor kanina. Kainis naman eh. Nasan na yun? Kung kelan kelangan saka wala. (_ _")7

Nahanap ko sya sa tapat ng classroom namin. Parang may kausap nga sya eh. Kaya lang diko makita kasi natatakpan nung wall. Kaya lumapit nako.

"Mitch!" energetic kong sabi "May sasa .. bi - hin .."

Napatingin sakin si Mitch.

Pati yung kausap nya -- si James.

Bakit sila magkausap? Anong problema? May hindi ba ako alam? Shet nakakapraning naman to. Anong meron?

"Ano, .. nakakaistorbo ata ako. Alis muna ako ha?" paalis na dapat ako eh.

"Hinde, Jam." habol naman na sabi ni James. "Iniinvite kolang kasi sya na manood ng first football game ko. Gusto mo din ba manuod?"

Manuod daw? Ng first game nya?

"Sure. Grabe. Sa wakas football player ka na. Im so proud of you BEST!"

Gustong gusto ko sabihin yan eh. Kaya lang parang may pumipigil sakin. Bakit pa ako manunuod di ba? Eh may Bianca naman na magchicheer na para sakanya. Ako dapat yun eh. Yung todo suporta sakanya. Pero wala na eh. Wala na.

Aysh drama nanaman to.

"Kelan ba ang game?" -Mitch

"Sa Wednesday. 8 in the morning."

"Kasabay nung basketball game? Hala, sorry. Nakapromise na kasi ako kay Pau na manonood ako ng game nya eh."

Sabay pa talaga ang game nila. Nice ha! Pinapapili mo na ba talaga ako Lord?

"Ahh ganun ba? Too bad. Sige alis nako. Bye."

Saka na sya naglakad paalis.

"Jam, bakit parang maputla yung si James? May sakit ba yon?"

Napansin ko nga din na ang pale nya. "Ewan ko ba sakanya. Sakin mo pa tinanong."

"Bitter. Tara na nga." -Mitch

Gusto ko sana mapanuod ang first ever game nya eh. Pero hindi na pwede eh. Too bad. -___-

----------

Wednesday. 8AM at Basketball court.

"Hoy! Bat wala kang gana? Game to ni Paulo mo oh!" sigaw ni Mitch. Ang ingay ngayon sa court. Lakas ng hiyawan sa kabilaang sides ng court.

Hindi ko din alam sa sarili ko eh. Hindi ko magawang maenjoy ang game. Napilitan tuloy akong tumayo at magcheer din. Itong si Mitch kasi sinita pa ako eh.

"GO PAULO!!" Edi sigaw kung sigaw. Psh.

Ano na kayang nangyayari sa game ni James? Manalo kaya sya? First game nya yun eh. Sana galingan nya. Manalo naman sana yung team nila.

"Oy. Ano ba, bakit lumilipad ang isip mo? Kanina pa kita kinakausap eh. Tsk. Magtino ka nga."

Kainis naman eh. Gusto ko makita kung ano na nangyayari sa game nila James.

"Mitch."

"Oh ano?"

"Kase. Ih. Ano eh." Tsk. Bahala na nga.

Tumayo ako. Kelangan ko makita yung game nya. First game nya yun eh. Tatakbo na sana ako palabas.

"Oy. Oy. San ka pupunta?" -Mitch

Hindi ko na sya sinagot. Umalis na ako. Once and for all. Kelangan ko na isettle ito. Para malinaw ko na din ang isip ko.

Niloloko ko lang si Pau at ang sarili ko eh. Mahal ko pa nga ba talaga sya?

Tumakbo ako papunta sa football arena.

Naglalaro si James. And lead ang team nila.

Nasa pinaka likod nako. Pero sumigaw padin ako. Kahit hindi nya ako marinig. Okay lang sakin. "Galingan mo James!" Nakakainis naman eh. Umiiyak nanaman ako eh. Ang tanga ko na ata talaga? Ipagpapalit ko yung mahal ako. Para dun sa hindi ko naman maabot. Napakalapit pero laging malayo.

Nakakainis eh! Nakakainis lang talaga na marealize na hanggang ngayon,

MAHAL ko pa din sya.

*****

Bumalik ako sa basketball game. Okay na sakin malaman na panalo ang team nila James. First game nya yon. At kahit hindi kami okay ngayon, atleast nandun ako sa first game nya -- ng Bestfriend ko.

Pagbalik ko sa basketball court. Sakto naman magsshoot si Paulo, napatingin sya sa'kin. Ayun shoot.

Saka ko lang napansin na talo yung team nila. 15 points ang lamang ng kalaban.

"Mitch! Hala, anong nangyari? Diba kanina lamang yung team nina Pau?"

"Nako, nagtanong ka pa. Eh kanina pa tingin ng tingin dito yan eh. Hinahanap ka ata. Ayan napala nila. Matatalo pa ata sila. Tsk. Your fault!" sabi ni Mitch na pailing iling pa.

Sinisi pa ako nito eh. Tch. Pau naman, wag kang ganyan. Lalo akong nahihirapan eh. T.T

Saktong magsshoot ulit si Pau. Bahala na nga. Tumayo ako at kumaway sa kanya. "GO PAULO!! Kaya mo yan!"

Bahala na talaga si Batman!

----------------------------------------------------------------------------------------

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon