Chapter 10

27 2 0
                                    

James' POV

Ngayon na ang araw ng presentation sa English. Boring na naman ang araw. Di padin ako kinakausap ni Jam eh.

Im idling. Habang nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga ulap. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Pag-gising ko, wala ng tao sa room kaya lumabas ako. I wonder kung bakit walang gumising sakin.

Nadatnan ko naman si Bianca sa labas ng room. Sya lang yung andun. Nasan na yung iba naming classmates? Di pa naman oras ng dismissal ahh?

"James, tara samahan mo ko sa canteen. Nagugutom na ako eh"

Sumama naman ako sa kanya sa canteen at bumili sya ng kung anong makakain. Gutom na din ako eh. Naabutan namin sa canteen sina Mitch at Nick

"James, Bianca?" tawag samin ni Nick na parang nagulat pa.

"Nick, tara na. Pabayaan mo na sila" sabi naman ni Mitch. Saka nya ako tiningnan ng masama. If looks can kill sabi nga nila. Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya?

Pinabayaan ko nalang si Mitch, kumain lang kami ni Bianca dun. Pagkatapos eh bumalik na kami sa room. Pero wala pa ding tao dun. Kaya tinanong ko na si Bianca.

"Nasan ba sila? Bat wala pa ding tao?"

Parang nagulat naman si Bianca non

"H-hindi mo alam?"

Kinabahan naman ako bigla "Ang alin?"

"Dinala kasi si JM sa clinic. Nahimatay nalang kasi sya bigla kani--"

"What?" Hindi ko na hinintay makareact si Bianca. Tumakbo na ako papunta sa Clinic. Shet! Kaya pala ganon nalang makatingin si Mitch. Nasa clinic si Jam habang ako kumakaen lang dun sa canteen! Ang stupid ko talaga!!

Pagdating sa clinic. Hingal na hingal ako sa kakatakbo at si Mitch ang naabutan ko.

"San si Jam?"

"Gising na sya. Nasa loob."

"Sorry. Hindi ko alam ang nangyare. Kase ano. Basta kase." diko na alam ang sasabihin ko. Galit na sakin si Mitch at hindi ko naman sya masisisi.

"Puntahan mo nalang sya sa loob."

Napaiwas naman ako ng tingin nun. "Galit sya sakin di ba? Baka makasama pa lalo sa kanya pag nakita nya ako."

"Alam mo bang halos patayin na ng babaeng yan ang sarili nya? Dalawang araw na daw syang hindi kumakain. Kaninang pag gising nya iyak lang sya ng iyak. Dahil sayo yun eh."

Kasalanan ko? Ano ba kasi ang nagawa ko?

"Ano bang problema?"

"Hindi mo alam?" gulat na tanong naman ni Mitch na parang disappointed sya sakin "Siguro dapat sya na ang magsabi sayo. Kahit na galit ako sayo ngayon. Gusto ko padin naman na magkaayos kayo. Dahil yang si Jam? Matigas ang ulo nyan. Hindi yan magtitino hanggat hindi kayo okay. Kaya kausapin mo sya. Tutulungan kita. Sana lang ay may maayos kang paliwanag dahil kung hindi. Ako ang unang mananakit sayo."

"Kung ano man yung nagawa ko. Sana, magkaayos na kami. Miss ko na din naman yang Bestfriend ko."

Yung taong MAHAL ko.

----------------

Jam's POV

Pagtahan ko sa pagiyak eh kinausap ulit ako ni Mitch

"Nandito kanina si James. Kinausap ako."

Concerned pa pala yon sa akin? Parang ang hirap paniwalaan.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon