Kabanata 18

47.9K 2.5K 613
                                    

A/N: I miss you eblibody!


---

"Tiangco, Tiangco!" Kahit mag-isa sa isang sulok si Aipha ay bigay todo pa rin siya sa suporta kay Fergus. Ika-limang bayan na ito na nakasama siya. Hindi siya nakakalapit kay Fergus kagaya ng iba niyang mg a kasamahan pero masaya na rin siya at nakakasuporta siya sa malayo.

"Paano kaya ako makakalapit ky Mayor?" May nagsalitang matandang babae sa kanyang likuran. Nasa bayan sila ng San Rafael at nagsasalita si Fergus sa entablado.

"Ano ho iyon?" Tanong niya.

"May polio kasi ang apo ko. Hindi na siya nakakainom ng gamot dahil delay ang pension ko." Paliwanag ng matanda. Bakas ang lungkot nito sa mukha at ang kumupas na ganda gawa ng kahirapan.

Nakaramdam ng awa si Aipha sa matanda at natagpuan ang sariling hila-hila ito papalapit sa stage.

"Sigurado ka ba iha na okay lang?"

"Opo. Sigurado ako, mabait si Mayor." Nakangiting pagpapanatag niya.

Hinintay nilang matapos ang speech ni Fergus. Mainit ang paligid sa dami ng tao, hindi iyon alintana ni Aipha at nang matanda na umaasa.

Nang bababa na siya sa stage ay hinarang niya ito. Parang nagulat pa nang makita siya.

"Mayor, siya si Aling Huling. Humihingi siya ng tulong para sa apo niya na may polio."

Hindi nawawala ang ngiti ni Fergus pero hindi iyon umaabot sa mata.

"Nagtanong na ho ba kayo sa social services, Nanay?" Tanong nito habang naglalakad.

"Hindi pa ho, Mayor. Saan po ba iyon?"

"Sa Munisipyo rin. Balik ho kayo bukas sa Mayor niyo para mabigyan kayo ng tulong sa tamang proseso."

Natigilan si Aipha, hindi makapaniwala sa sagot ni Fergus sa matanda na halatang nadismaya at nalungkot. Diretso pa rin ang lakad ng binata papalayo. Wala siyang nagawa kundi magmadaling kunin ang wallet niya sa bag at kumuha ng tatlong libo roon. Ibinigay niya iyon sa matanda nang walang pag-aalinlangan.

"Mula ho iyan kay Mayor Fergus Tiangco." Sambit niya sa matanda.

"Aipha." Narinig niya ang matigas na tawag sa kanya ni Fergus. Nagmamadali niyang nilapitan ang binata na hinila naman siya patungo sa van nito.

"What do you think you are doing?" Angil sa kanya ng binata nang masarhan nito ang pinto.

"Tumutulong ako sa matanda. Umasa siya na matutulungan mo siya."

"By giving her money?"

"Kailangan niya ng pera—"

"That's vote buying! Walang politiko ang maaaring mamigay ng pera tuwing kampanya. She could be a bait!"

"Matanda na iyon." Pagdadahilan niya.

"Why? You appeared so helpless, then. Pero ikaw ang nagpahamak sa akin. I almost lose my career because of you."

Natahimik si Aipha. Akala niya ay nakakatulong siya pero maling akala na naman.

"Dapat kasi ay hindi ka na lang sumasama sa kampanya."

Puno ng tensyon ang byahe pabalik sa Hacienda ng mga Tiangco, nakahalukipkip si Aipha sa sulok ng van habang nasakabilang dulo naman si Fergus. Parehas na mayroong inis sa isa't isa. Nang sa wakas ay dumating na sila sa Hacienda, inayos na ni Aipha ang kanyang mga gamit. Naunang bumaba si Fergus para padaanin siya. Nang makababa siya ay mataman niyang tiningnan si Fergus.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now