Kabanata 1

152K 1.9K 119
                                    


"Mga kababayan... Sa susunod na halalan, ating tandaan, Mayor Fergus Tiangco, hindi manloloko! Ihalal si Mayor bilang Gobernador!" Mas nilawakan ni Fergus ang kanyang ngiti at tipid na kumaway sa nasasakupan sa Bayan ng Gigantes. Bahagi iyon ng isang malaking probinsya sa southern part ng Luzon, five hour drive mula sa Manila, treinta-minutos naman kung helicopter. However, Fergus Tiangco will never be seen living in luxury or enjoying the benefit of his mayorship, although he was born with a silver spoon in his mouth.

Bumulong si Fergus kay Mario, ang Baranggay Chairman ng Baranggay San Vicente na kaniyang binisita dahil sa kakatapos pa lamang na malakas na lindol kung saan naapektuhan ito ng husto. "Malayo pa ang eleksyon, Mario. At hindi ito ang tamang panahon para mangampanya."

Napako naman ang ngiti ni Mario at halatang namula sa kabila ng pagiging maitim ng kutis nito. Ah, nakalimutan yata nito na malayo sa 'trapo' o 'traditional politician' ang kagaya niya. He was recognized as a fresh blood in politics, a young mayor who surpassed his promises by doing more than what was expected of him. Ang kanyang plataporma ay nagawa niya agad sa loob ng isang taon. Mula sa pinakamahirap na bayan sa Pilipinas ang Gigantes sa loob ng ilang dekada, naiahon agad ni Fergus ang katayuan ng bayan sa pagsisimula ng paglilinis ng mga ghost employee sa munisipyo. Ginawang kabuhayan ng isang makapangyarihang political family ang Gigantes. Halos buong angkan ng mga Umali ang naghari-harian sa Gigantes sa mahabang panahon. Kamag-anak din kasi ng mga ito ang Gobernador ng probinsya ng Loreta na hindi mapatalsik-talsik. Gigantes is more than a simple town where people invested in agriculture and fisheries. They have forest, numerous falls and pink sand beaches that are open for tourists. Kahit gaano kapangit ang seguridad noon sa bayan ay dinadayo pa rin ito dahil sa magagandang tanawin. The Umali's took advantage of the tourist spots, naningil ng malaki sa bawat entrada pero hindi naman ginamit ang pera para ipaayos ang lugar. Napabayaan lang ito. But Fergus ordered all these tourist spot to be temporarily closed and placed into a five-month rehab, he succeeded. Mabangong-mabango tuloy ang kanyang imahe, hindi lang sa probinsya kundi sa buong Pilipinas.

The Mayor is not only young but also good-looking, they said. Not just good-looking but also smart, dependable, and incredibly charming. Madalas ay natatawa na lang siya sa atensyon na ibinibigay sa kanyang bayan pero sino ba siya para magreklamo? He could promote Gigantes even more because of its free airtime. Mas lalong dumami ang kyuryoso sa kanilang bayan. In less than two years of service, iba't ibang kampo na ang lumalapit sa kanya para tumakbong gobernador o di kaya ay senador. He's not yet sure though. Ang pagiging Mayor niya ay parte lang ng kanyang bucketlist. Mayroon siyang listahan ng kanyang 'Things to do before thirty'. Those are list of the big things he wanted to achieve to prove his father who expected nothing from him.

Hindi naman ibig sabihin ay hindi siya seryoso sa paninilbihan sa bayan. In fact, he got interested in helping the community since he was in highschool. Mula sa pagiging pilyong teenager na pinarusahan ng school para makibahagi sa outreach, nagbunga na iyon sa mas malalaking proyekto nilang magkakaibigan. They insisted to build a livable community in Baranggay Halcon, a small baranggay in Manila. Maraming nagsabi sa kanila noon na dapat ay pumasok sila sa pulitika, all his friends shook it off, but him? He put a piece of that thought in his heart. Kaya naman sobra ang pangangantyaw ng kanyang mga kaibigan nang magpasya siyang tumakbo bilang Mayor sa probinsyang kinalakihan ng kanyang ina.

Oh how he miss his friends, Davide, Zauro, Tranq, Puma and Colt. Ang mga ito ay abala sa kani-kaniyang negosyo o di kaya sa babae, pero siya? Abala siya sa pagtulong sa mamamayan. It is odd but he found peace in doing so. Hindi na niya hinahanap-hanap ang rockstar lifestyle niya three years ago, noong 25 siya. He got harem of girls that he could booty call. Ngayon ay mas focused siya sa pagpapaganda ng Gigantes at sa pag-iisip kung tatakbo pa ba siya sa susunod na eleksyon.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon