Kabanata 7

47.1K 1.4K 178
                                    


"Bakit napasugod ka? Wala bang masyadong ganap sa Gigantes?" Fergus chugged the beer instead of answering his close friend, Colt.

"At kailan ka pa gumamit ng helicopter? Hindi ba masisilip ang Statement of Assets and Liabilities mo niyan? Baka maging issue iyan ng mga kalaban mo?" Natatawang susog ni Puma.

"My family is fucking rich, Man." Seryoso niyang sagot.

"Hell, may sakit ka?" Hinawakan naman ni Tranq ang kanyang leeg. "Kailan ka pa naging mayabang? As far as I know, Fergus Griffin Tiangco is the most humble member of Gods of Halcon. Why are you talking about being rich? Being fcking rich?" Nag-hugis pa ito ng plakard sa hangin na parang may binabasa roon.

They were all inside an exclusive bar that Davide and her wife Agwee owns. Lumipad siya pa-Maynila pagkatapos niyang halikan si Aipha. He's not supposed to lose control especially to his employee, to his secretary, to a Transwoman. Ano bang iniisip niya? Male pa rin ang genetics 'non regardless how they act or speak, even how they feel isn't the basis. Nakahalik na siya ng biologically male. Sino ba ang hindi maninibago sa ganoon? Hindi siya handa sa nangyari. Ni hindi siya lasing. Hindi niya lang napigilan ang sarili.

"I will stay here in the next few days." Deklara niya.

"Problema?" Zauro asked while scanning his eyes around the partying A-list models.

"Babae?" Davide guessed.

Hindi siya sumagot.

"There. A woman." Itinuro siya ni Colt na para bang siguradong sigurado ito.

'No, Colt. She is actually a transwoman.' He wanted to add but he chose not to speak. Mas lalo lang maguguluhan ang isip niya kapag pumasok na ang opinyon ng kanyang mga kaibigan.

"What happened, Bro?" inakbayan siya ni Puma at pinatunog ang bote ng iniinom nila na beer.

"I kissed a ---" Huminga siya ng malalim.

"a girl and I liked it? Like Katy Perry's song?" Biro ni Colt. "Hindi ka naka-third base kaya dismayado ka ano? Don't worry, there's always a next time. When there's no next time, there is tonight. Sino ba ang gusto mo sa mga iyan? Ipapakilala kita." Ininguso ni Colt ang grupo ng mga modelo na nagsasayaw sa dance floor.

Fergus shook his head. Hindi maiintindihan ng kanyang mga kaibigan. Pinili na lang niyang pagsunod-sunurin ang alak na iniinom imbes na magsalita hanggang sa na-bore ang mga kaibigan sa kanya. Ilang sandali pa ay naiwan silang dalawa ni Davide sa VIP couch. Namalayan na lang niya na nakatingin sa kanya ang kaibigan na nangingiti.

"You like someone."

"Damn it. Ilang linggo ko lang kayo hindi nakita, naging psychic na kayong lahat." Inis na bulong ni Fergus.

Humagalpak ng tawa si Davide. "It is because you are not talking! Care to share?"

Umiling si Fergus. "I don't like someone in that context yet." Diretsa niyang sabi. "But I like her as a person."

Natawa muli si Davide. "I started there and now I am married." Pagpupunto nito.

Gustong tanungin ni Fergus kung legal na ba ang same sex marriage sa Pilipinas pero alam niya naman ang sagot higit sa kaibigan. Hindi. At wala naman talaga siyang balak magpakasal.

Fergus repeatedly told himself na nasa Maynila siya para maglibang. Gusto niyang patunayan sa sarili kung ano ang totoong taste niya pagdating sa sex. Hindi pa rin nagbabago ang preference niya. Hindi iyon nabago ni Aipha.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now