Kabanata 11

42.9K 1.1K 93
                                    

A/N: Unedited. R-18

--

            Ang unang beses ay nasundan pa ng maraming beses. Hindi na sila nakuntento sa simpleng making out. They go out of the way to share intimacy wherever they are, maliban na lamang sa munisipyo. Seryoso sila tuwing oras ng trabaho.

"I miss Peachy, Aipha." Fergus pouted. Hinihintay siya nitong matapos sa pag-aayos ng mga files. Napakagwapong tingnan ng binata tuwing naglalambing sa kanya. Hindi niya ito hinayaang abalahin siya. Malapit na ang interim audit kaya kailangan niyang ayusin ang mga folders para hindi siya mahirapang maghanap ng kakailanganin.

Lumipas pa ang dalawang oras nang matapos siya sa ginagawa. Nakasimangot na sa kanya si Fergus. Napansin niyang madilim na sa labas.

"Uwi na tayo, Mayor." Aya niya. Hindi ito gumalaw sa kinauupuan nito kaya siya na mismo ang nagsalansan ng gamit nito sa lamesa.

"Pagod na ako, hindi ka pa ba uuwi? May hinihintay ka?" wala sa sarili niyang tanong.

"Who do you think I am waiting for?" Nakasimangot na pakli ng binata.

"Hala, ang sungit!" Natatawa niyang sambit. Masuyo niyang hinawakan ang binata sa baba at saka hinalikan sa pisngi pero wala pa rin itong kangiti-ngiti.

"What date is it?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Hm, August 18."

"I couldn't believe you, Aipha!" Bulalas nito na napahawak pa sa ulo.

Takang-taka naman siyang pinanood ang Mayor.

"July 18 was when I first met Peachy."

"So?"

"Anong so? It is our first monthsary!" Anunsiyo nito.

"First monthsary? May sakit ka ba, Mayor?"

"That, that is also part of the problem. Kailan mo ba ako tinawag ng iba bukod sa 'Mayor'?"

"Eh sa Mayor ka naman talaga—"

"I hate it! I call you Baby kapag tayo lang dalawa pero Mayor pa rin ang tawag mo sa akin?"

"Anong gusto mong itawag ko sa iyo?"

"Whatever. Basta hindi Mayor."

"Yorme?"

Matuwid na tumayo ang Mayor, mas tumindi pa yata ang init ng ulo. "Kung naaalala mo ang Mayor ng Maynila sa akin, forget it."

Nagpatiuna ito sa paglalakad hanggang sa makaabot sa may pinto. Halos mapunit naman ang pisngi ni Aipha kakangiti.

"Ang cute mo magtampo. Sandali nga." Naglakad siya papalapit sa Mayor at dahan dahang kinuha ang kamay nito mula sa doorknob. Inilagay niya ang magkabilang palad sa pisngi ng binata.

"Una, monthsary, pangalawa yung pagtawag ko sa iyo ng Mayor. May relasyon ba tayo? Kung meron, parang hindi ko naman naramdaman na niligawan mo ako."

Bubukas pa lang ang bibig ni Fergus nang pigilan niya iyon ng hintuturo.

"Pero happy monthsary, Mahal."

"M-mahal?"

"Oo, mahal. Iyon ang gusto kong tawagan kapag nagkaroon ako ng boyfriend. Para kasing totoong-totoo. Parang puro, parang—"

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now