Kabanata 10

45.7K 1.3K 380
                                    

A/N: Update vomit tonight. Unedited. 

Nagmamahal,

Author na hindi masyadong sikat, cute lang :)

PS: R18 author pa rin. Read at your own risk. Not advisable to kids.


---

Alam ni Aipha na mali ang hinihiling ni Fergus. Magtataksil silang dalawa?

Pero mesherep. Ang sherep sherep.

Ang malanding bahagi ng utak ni Aipha ay sinasabing pumayag siya. Totoo naman, hindi siya kung kapamalaki-malaki sa madla. Parang iyong nanay niya. Ngayon ay naiintindihan niya na ito kung bakit ito pumayag na itago ng kanyang amain. Kung wala kagaya rin ng ina ang kanyang kahihinatnan, bakit hindi pa siya magpakasaya sa maigsing buhay na meron siya?

Then, she realized the misery that is coming forward. She's with false intentions anyway. Sa isiping iyon ay mas naging malaya siya sa paghalik kay Fergus, humigpit ang hawak niya sa buhok nito. Hingal siya tuwing naghihiwalay ang kanilang mga labi at mas lalong umiinit ang pakiramdam niya.

"Wala lang ito." Matapos nilang pagsaluhan ang mainit na mga halik ay sumandal si Aipha sa headrest ng passenger seat.

Masuyong ginagap ni Fergus ang kanyang kamay, "wala lang ito."

Mabilis lumipas ang mga araw. Sa bawat nakaw na sandali ni Fergus at Aipha ay mas lalong nagiging kumportable sila sa isa't isa. Status? Wala sila 'non. They enjoy each other's company, period. No commitment, no expectations. Mas madali lang silang nakakalusot dahil sekretarya siya ng Mayor.

"Dinner at my place later?" Bulong ni Fergus sa tainga ni Aipha habang nag-titipa siya sa kanyang laptop. "I can cook for us."

Ngumiti siya at tumango. Iyon na ang naging routine nila na nakasanayan. Si Lilo ay hindi na niya muling nakita pa. Ang sabi ay nag-aaral daw ito sa Maynila, madalas ay tumatawag pa rin ito kay Fergus pero hindi ipinaparinig sa kanya ng Mayor ang usapan. Okay lang sa kanya iyon, nakokonsensya rin naman siya kahit papaano. Mabait si Lilo at talagang bagay na bagay kay Fergus.

Kaya naman alam niyang lamang ito sa kanysa sa maraming aspeto. Hindi niya rin ugali ang mang-agaw ng hindi sa kanya, ngayon lang at nakikihati lamang siya.

Isang phone call ang nagpaalis kay Fergus sa puwesto nito sa likuran ni Aipha. She could hear the conversation from where she was sitting.

"Okay, Lilo. I'll be there tonight. Relax, don't panic."

Tumingin sa kanya si Fergus habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Nang ibaba nito ang linya ay nagmamadali nitong tinungo ang direksyon niya.

"Please call in the chopper for me. I need to go to Lilo."

Tumango si Aipha at mabilis na nag-arrange ng flight para kay Fergus.

Bago lumubog ang araw ay umalis na si Fergus. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil hindi siya makapagtanong kung saan ito pupunta at kung kailan ito babalik. True enough, ilang araw nga siyang naghintay sa pagbabalik ng binata pero hindi naman naganap.

"Lunch, magandang binibini?" Sumilip sa pinto ng kanilang opisina si Reden. May dala itong lunch pack na iwinawagayway sa harap niya. "Luto ito ng Inay. May itlog na pula at kamatis yung inihaw na lapu-lapu saka mainit pa yung kanin."

Napangiti siya. Naalala niya noong highschool sila, si Reden ang palaging mayroong baon. Masipag at masarap magluto ang Nanay nito. Minsan na nga siyang nainggit kay Reden dahil sana ganoon din ang nanay niya na inaasikaso siya pero baliktad, siya ang nag-aasikaso sa kanyang ina.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now