Kabanata 16

39.8K 1.7K 406
                                    

A/N: Grabe yung almusal ko kanina, inabot ng gabi. Char!

Thank you sa votes at comments. Wag mo na rin kalimutan na gawin ulit yun. Goodnight!

Unedited. Longer at detailed ang sa book version pero wala pang time mag-edit. Tyaga tyaga muna tayo!

--

            "Mars, grabe! Napakaraming benta ng instant champorado at chocolate powder mo. Kung magtutuloy-tuloy pa ito sa loob ng isang taon, makakapagtayo ka na ng maliit na factory." Proud na proud si Fifer habang nagsasalin ng champorado na order sa kanila online.

Nakarehistro ang kanyang maliit na negosyo sa DTI. Hindi pa sila nakakabalik muli ng Loreta pero nakagawa siya ng paraan para makapag-order ng cocoa at cacao kay Aling Flor mula pa sa kanilang bayan, ang Dercan.

Ang huli niyang balita ay agad na nakulong ang kanyang Daddy Ter noong nakaraang taon at ang mas masakit siguro para dito ay tiyak na ang pagtakbo bilang Gobernador ni Fergus Tiangco.

"Oo nga, gusto ko na ngang makapagdeliver din sa Loreta. Nakakamiss ang mga tao roon."

"Namimiss nga ba ang mga tao o ang Mayor?"

Umirap siya kay Fifer, "Hindi na ako naalala 'non." Napabuntong-hininga siya, "Sa tingin mo, Baks, makikilala pa rin kaya ako ng mga tao roon at iyong ginawa ko?"

"Eh, baka.. Pero hindi naman mapagtanim ng sama ng loob ang mga taga-roon. At saka itinama mo rin naman ang mali mo."

Ngumuso siya at binalingan ang notebook niya na mayroong dispatch schedule. Marami iyon, Luzon, Visayas at Mindanao ang sakop. Siya mismo ang nagpo-process ng cacao at dinadagdan niya pa ng iba't ibang flavor, cocoa cacao, cocoa coco, cocoa strawberry, cocoa orange, cocoa vanilla at ang original siya nakilala. Pinangalangan niya ang kanyang business ng Chocolate Pleasure.

Pumatok ng husto ang kanyang negosyo kahit hindi na siya ang hands-on sa pag-gawa. May sampung tauhan na rin siya at ang tiyahin naman ng Mama niya ang punong abala kaya hindi na siya napapagod. Masaya nga siya at nabigyan niya rin ng pangkabuhayan ang malayo nilang mga kamag-anak at natutugunan na rin niya ang pangangailangan ng kanyang ina, iyon nga lang, humina na itong muli at mas nahihirapan na ang katawan na tanggapin ang gamutan.

"Aipha, anak.." Umubo ang kanyang ina mula sa silid nito. Nagmamadali niyang tinungo ang kinaroroonan nito.

"Ma?" Napatakbo siya sa ina nang makitang nasa sahig ito at may katabing basag na baso. "Iinom ka ba ng tubig, Mama?"

Malungkot itong ngumiti, "Hindi na ako magtatagal, Aipha.. Iuwi mo na ako."

"Ano ba 'yang sinasabi mo, Mama. Sinabi ko sa iyo huwag mo akong dadaanin sa premonition dahil mas hihigpit ang hawak ko sa iyo, tara na sa ospital. Fifer!!!"

Humigpit ang hawak ng kanyang ina sa braso, "Iuwi mo na ako, Aipha. Sa Loreta ko gustong magpahinga."

Malungkot niyang dinaluhan ang ina sa sahig. "Pero wala natayong bahay doon, Ma. Naibenta na natin para sa negosyo kasi sabi natin magbubuo tayo ng bagong buhay dito, hindi ba?"

Tumango si Polly, "Palagay ko ay hindi naman ako masyadong magtatagal. Kahit mag-renta lang tayo roon ng isang taon pagkatapos ay bumalik kayo muli rito kapag wala na ako."

Gusto sanang sarhan ni Aipha ang tainga pero alam niyang walang masamang sinasabi ang ina. Lahat naman ay darating sa huling byahe at walang makakapigil 'non. Kung iyon ang huling hiling ng kanyang ina, gusto niya ring tuparin iyon.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now