Kabanata 5

48.2K 1.5K 131
                                    


"Pupunta sa taniman pero ang ganda-ganda!" Mataray na puna kay Aipha ni Fifer habang nananalamin siya sa whole body mirror nila sa may salas. "Nalipat na pala ang Makati dito sa probinsya natin, ano? Ang kati-kati dito!"

Pinalo niya ng suklay si Fifer sa braso. "Tumigil ka nga, Fifer. Kailan ba ako naging pangit?"

"Sabagay." Humahagikgik na sagot ng kaibigan.

"Aipha, anak?" Narinig ni Aipha na tumatawag ang ina. Mabilis niyang tinungo ito sa kuwarto nito. Nakita niyang nagpupumilit itong tumayo. Hindi na kaya ng ina ang mag-isang kumilos. Mabilis ang paghina nito dahil sa sakit sa bato, hindi pa regular ang dialysis na natatanggap kaya lalong nanghihina.

"May lakad ka ba? Ang ganda mo ah. Pupuntahan mo ba ang Daddy mo? Sabihin mo sa kanya gusto ko siyang makausap."

"Nay.." May himig ng pag-awat sa boses ni Aipha.

"Kamukhang-kamukha kita noon. Ganyan din ako kaganda, kaya nga kahit may anak na ako ay niligiwan pa rin ako ng Daddy mo. Binigyan ka niya ng ama sa katauhan niya."

Aipha snorted. Kinuha niya ang isang basong tubig sa sidetable ng ina at pinainom ito.

"Hindi niya ako itinuring na anak, Nay. Siguro noong panahong iyon ay gustong-gusto ka pa kaya pinapakisamahan ako pero simula noong ipagpalit ka--"

"Hindi niya ako ipinagpalit!" Tumaas ang boses ng kanyang Nanay. "Ayaw sa akin ng pamilya niya. Hindi raw kami bagay dahil may anak na ako at binata siya. S-siguro, siguro kung wala pa akong anak--"

"Ito na naman po tayo. Kung wala kang anak, Nay, walang mag-aalaga sa iyo ngayon."

"Siguro ay hindi rin ako iniwan ni Terrence."

Isinara na ni Aipha ang bibig. Ayaw na niyang patulan ang ina. Simula nang naratay ito sa karamdaman ay naging bugnutin na. Iniisip na ang tanging paraan para makaahon silang dalawa sa kalagayang iyon ay ang balikan ito ni Governor Terrence Umali.

"Suklayan mo ako. Gusto ko ng ganyang ayos ng buhok. Lagyan mo ako ng lipstick at pabanguhan mo ako. Baka puntahan ako ni Terrence ngayong alam na niya ang kalagayan ko."

"Nay.."

"Sige na!" Asik nito.

Wala siyang nagawa kundi kunin ang maliit niyang make-up kit. Sinuklayan niya ang buhok ng ina at kinulot iyon. Kahit wala pa itong ligo ay nilagyan niya rin ng powder, kilay at pulang lipstick, ang paborito nito.

"Gusto ko maging maganda ulit. Magandang-maganda.."

Pakiramdam ni Aipha ay nananalamin siya sa katauhan ng ina, at ang repleksyon ng salamin ay siya- thirty years from now. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng emosyon sa dibdib. It was a sad reflection. Alam niyang hindi nalalayo sa ina ang kanyang magiging kapalaran. Malungkot at mag-isa.

Her tears rolled down one by one. Ang kanyang ina naman ay napipikit na dahil sa gaan ng kanyang kamay sa pagme-make up. Naramdaman niya na lang na may nagpunas ng luha niya. Ang masasabing nagulat siya ay kulang, napanganga talaga siya.

Nasa gilid niya si Mayor Fergus Tiangco. Pinisil nito ang kanyang balikat at saka iniabot ang panyo. Sumenyas ito na lalabas muna.

"Nay, nariyan na po ang kasama kong pupunta sa taniman."

Hindi sumagot ang ina. Inihiga niya ito ng maayos at saka kinumutan. Hinalikan niya ito sa noo bago nilabas si Mayor Fergus sa kanilang salas. Nakita niyang mayroong juice at sandwich na naroon sa maliit nilang lamesita na malamang ay inihain ni Fifer. Kinakain na ito ng binata.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now