Kabanata 6

46.1K 1.4K 123
                                    


Kulang ang salita para ipaliwanag ni Aipha ang ganda ng mansyon ng mga Tiangco. Sa liblib na lupain ng Gigantes, mayroon palang mansyon doon. Mataas ang gate at hindi nakapagtatakang mahigpit din ang seguridad. Ilang kilometro pa lamang ang layo ay mayroon nang checkpoint sa papasok doon sa lupain.

Gawa sa malalaking bato ang tahanan. Ang mga muebles naman ay yari sa antique wood kagaya ng mahogany, African blackwood, ebony at sandalwood. Alam niya iyon dahil nag-short course siya sa wood carpentry noong pinlano niyang mag-abroad. Walang lumang painting sa pader, tanging mga fresh flowers at indoor plants ang nagbibigay kulay sa paligid.

"Welcome to my home." Inilahad ni Mayor Fergus ang magkabilang kamay. "This is the main house, I only stay on one fourth of this house, actually."

Nagtataka niyang tinapunan ito ng tingin na tila nabasa naman ng Mayor. "You'll see later." Nakangiting sambit nito. Tinawag muna nito ang mga kasambahay para ipakilala sa kanya. Kung mayroon daw siyang kailangan at wala ang Mayor ay maaari siyang magtungo sa mansyon na iyon.

Nang matapos ang pagpapakilala sa mga kasambahay ay inaya siya ng Mayor sa itaas ng mansyon. Itinuro nito ang ilang silid kagaya ng library, music hall, at ang veranda na mayroong magandang tanawin.

"And my personal space.." Binitin nito ang mga salita nang buksan ang isang pinto. Namamangha niyang pinagmasdan ang malaking silid na mayroong isa ring silid. Ito ang tanging mayroong pinturang puti sa buong mansyon. Moderno ang ayos pati ang muebles. Mayroong salas, sariling kusina at isang kwarto.

"It was designed like my condo space in Manila." Paliwanag ng binata. "Nang malaman kong magtatagal ako rito, tiniyak kong hindi ako maho-homesick. Katulad na katulad ito ng condo ko roon hanggang sa mga furniture."

"Iba talaga ang mga mayayaman!" Humahangang bulalas niya habang pumapasok sa silid. Umupo siya sa off-white L-shaped sofa na mayroong malaking TV sa harapan. Cozy at malinis ang buong personal space ni Fergus. Ngayon pa lang siya nakakita ng ganoong ayos ng silid.

"I am just deeply rooted to what I am used to. New things scares me. New places, new people." Inisa-isa nito ang mga kinakatakutan. Tumayo si Aipha at naglakad sa palibot ng silid.

"Kaya naman pala napakasungit mo sa akin noong unang pagkikita natin. Alam mo bang nainis ako sa iyo noon?"

"I know." Nagkibit-balikat ito. "Nainis din naman ako sa iyo noon. Mapilit ka. You tested my ego. I don't really judge people like you."

"Hindi? Ibig sabihin hindi ka natatakot na magkagusto sa akin?"

"I don't believe in love, in general. I can like a person, get comfortable but I don't think I can love them on a romantic level. It requires too much attention and time which I don't have much."

"Aray, basted ako kaagad." Napahawak siya sa puso at kunyaring nasaktan.

Mayor Fergus swayed his hand in front of her as if not believing her jokes. Nagpamaywang siya at umirap sa binata. Nilapitan niya ang malaking bintana at sinilip iyon. Nakita niya ang view ng lungsod sa ibaba, bumilib siya roon.

"Wow, ang ganda naman ng pwesto mo!" Hindi niya mapigilan ang paghagikgik. Gusto niya ang city lights. Noong bata pa siya pangarap niyang makawala sa Loreta at tumakbo sa mas malaking mundo, pero hayun, hanggang probinsya na lang talaga ang beauty niya. Mabuti na rin iyon dahil sa Loreta, marami siyang raket. Mahigpit ang kompetisyon sa Maynila kahit sa pagandahan. Tingin nga niya ay kapag bumalik si Mayor Fergus sa Maynila, magiging ordinaryo na lang ang tingin nito sa kanya.

Gods Of Halcon 2: Fergus TiangcoWhere stories live. Discover now