Chapter 5

12.9K 527 98
                                    


Chapter 5
Beach house

●●●


"Ma'am, akala ko ba no cellphone?"

Meghan stopped the moment she was about to call the vice mayor. Katabi niya si Annie sa backseat ng kotse. Si Remi naman ay nasa front seat katabi ang bodyguard niya na siyang nagmamaneho. She is still under her two week break and now, she decided to go to their beach house located in the province. She even had to ask permission from her father para payagan siya munang makapag-relax. The past few weeks had been stressful to her. Kaiden was against it but then her father gave her permission kaya wala na rin ito nagawa.

"Kasi... Iyong mga biktima ng sunog, gusto ko lang makasigurado--"

"Naku, Ma'am, siguradong magiging okay lang ang lahat. Saka nandoon naman po iyong vice mayor. Bigyan mo naman ng trabaho, Ma'am, para may silbi. Ikaw palagi ang workaholic eh. Tignan mo tuloy nangyari sa inyo. Kailangan niyo magbakasyon," Anito at napangiti na lang siya. Isinama rin niya ang dalawa dahil ayaw niyang maiwan ang mga ito sa bahay.

"Oo nga, Ma'am! Naku, excited na ako ulit makapagbeach! Matagal-tagal na ring hindi ako nakapagdagat. Sa susunod po, pwede ko po bang dalhin iyong mga anak ko, Ma'am?" Nagsalita naman si Remi at halatang masaya ito dahil sa tono ng boses nito.

"Oo naman, walang problema."

"Ikaw, Ser, excited ka rin po ba magbeach?" Tinanong pa ng yaya niya si Kaiden na seryoso lang sa pagdadrive. Their travel time is going to be four hours. It was a private beach resort in which her family owned.

Hindi naman ito sumagot.

"Ang sungit talaga nito. Pero okay lang 'yan, gwapong afam ka naman!" Remi reacted as Meghan giggled. Ang kukulit talaga ng mga yaya niya.

"Do you go to the beaches, Kaiden?" Meghan asked instead.

"Ma'am, baka pipi po 'yang si Ser, masasayang lang laway niyo."

"Yes," Bigla naman itong sumagot at natahimik naman ang dalawa niyang yaya.

"Where?"

"California."

"Hala, nagsalita! Annie, narinig mo 'yun?!"

"Huwag kang epal, Remi. Ma'am, saan po ba 'yang California? Nasa Pilipinas din ba yan? Parang pang-engkanto iyong pangalan."

Meghan shook her head with their reactions, "Nasa Amerika po ang California, Ate."

"Ay? Yamanin pala itong si Ser!"

"Afam nga, Remi, diba? Mayaman talaga 'yan!"

Meghan laughed again.

Their whole travel was not boring. Puro daldal lang ginawa ng dalawang yaya niya sa buong biyahe. She was also entertained with their jokes and stories - na kahit maaga siyang nagising kanina ay hindi siya nakaramdam ng antok.

Dumating na rin silang lahat sa beach house. Sinalubong naman kaagad sila ng dalawang caretakers na nandoon at tinulungan sila sa mga dala nila. Nauna namang pumasok sa bahay ang dalawa niyang kasambahay. Meghan was left alone with her bodyguard who was also helping them with their other things.

Danger and Poison (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon