9 - Hula (2 of 2)

4.3K 182 31
                                    

Matagal bago naka-get over si Abbie. Nakatulala lang siya. Para bang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy masabi kung na-trauma siya sa nangyari kanina.

Nasa highway na kami north of downtown going to La Trinidad no'ng nakapagsalita siya.

"Sino ba kasi?" tanong niya ulit.

"What're we talking about again?" I try to focus on the road this time.

"'Yo'ng unang sinakay mo dito." Mukhang matter of life and death ang expression niya.

I force back a laugh.

"So?" Naghihintay pa rin siya ng sagot.

"Seriously? Are we still talking about this now?" Smiling, I shake my head and maneuver the car to what looks to me like China Town dumped in between a river and the highland slums.

I park at the roadside. Somewhere not too crowded.

Binuksan niya agad ang pinto, bubulong-bulong. "Aisshh... Kala mo naman may sasama nga sa kaniya. Kung 'di lang maganda ang kotse."

Ni-lock ko muna 'yong kotse t'saka ini-on ang alarm bago siya sinundan sa makitid na daan papunta sa entrance. Papasok na si Abbie ng gate, pero sa halip na magmadali, nilibot ko nang tingin ang lugar, habang humahabol sa kaniya. I can't help it.

Sa labas, naglipana ang sala-salabid na mga rebulto ng dragon. Sa mga dingding, dragon pa rin ang nakaukit. Maingay. Medyo matao sa paligid. Parang magulo para sa isang temple.

Pero sa pagpasok namin, hindi ko inakalang may ganito palang lugar na nage-exist around Baguio. Parang ibang dimension. There are trees everywhere. It's surprisingly calm and quiet. May mga multi-tiered pagodas as we climb up the concrete winding stairs. Bells. Flags. Lion statues. Gardens. Red gates. Ponds with dragons spitting water instead of fire. Nandito na yata lahat.

In the grass-covered lawn, kids are practicing some kind of martial arts. Older people jog around. Sometimes, I'd see a monk or two pass by.

Bumagal ang lakad ni Abbie. She stops in front of a pagoda and stands there quietly. Pinagmamasdan lang niya 'yong structure.

Sa wakas nakahabol din ako. Pagdating ko sa tabi niya, hindi man lang siya nag-alis ng tingin sa pagoda. Sinubukan kong tingnan kung ano'ng special sa pagoda na 'to na naiiba sa mga una naming nadaanan. Wala naman akong makita. Nagpaiba-iba pa 'ko ng angles. Wala pa rin.

For half a minute, tulala lang si Abbie. And before I knew it, napangiti na siya.

"Ano'ng meron?" bulong ko sa tenga niya.

Umatras siya. Halatang hindi aware na nandito lang ako. "W-wala. May... naalala lang ako."

Nagsimula siyang umakyat ulit hanggang marating namin ang main temple. In front of it is a shallow lagoon studded with white lotuses in bloom and a fountain in the middle. The central patio looks up to huge red and green gates, and the secret hills which are no longer a secret anymore with the hundreds of houses now dotting its green face.

Parang ang sarap umupo lang do'n at pagmasdan ang langit. And I'm sure na sa hapon, picturesque ang sunset from this angle.

May karatula pa na ang nakasulat ay, "Bawal Mag-Date Dito."

Touché.

Hindi naman kaya kami nagde-date. Buwiset.

"Meron pa lang ganitong lugar dito. Ngayon ko lang nalaman," nakangiti kong sabi. Hindi ko maialis sa view ang tingin ko. "Lagi ka dito?"

She breathes out and looks up. "Dati. Kaso ngayon, hindi na masyado."

"Yong mga kausap mo kanina, mga friends mo?"

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon