13 - Selfish

3.4K 187 43
                                    

Parang kahapon lang tayo'y magkasama

Naging isa na siyang ala-ala

Mula ngayon araw-araw nang mananalangin

Na sana'y lagi kang masaya

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napatingin ako sa relo ko. Ilang daang beses ko na yata naikot ang ER. Empty bat naman 'yong phone ko kaya hindi ko matawagan si Abbie.

Malamang umalis na 'yon, sabi ko sa sarili ko.

Eh, pa'no kung naghihintay pa rin siya do'n? sabi naman ng kabilang parte ng utak ko.

"Ay Apo," si Madame Head Nurse, biglang sumulpot sa likuran ko. "Pumirmis ka nga sa isang tabi, Mr. Richter. Kanina ka pa parit-parito. Ang toxic na nga."

Take note. Na-demote na ulit ako. Hindi na Dr. Richter. Mr. Richter na lang. Kasi wala siyang kailangan sa'kin ngayon.

Napakamot na lang ako ng ulo. "Anything from Audra's family yet?"

"Na-contact na ang father ni Audra a few hours ago. On the way na siya dito from Pangasinan. Hangga't wala pa siyang relative na dumarating, samahan mo na muna siya. Tutal ikaw naman ang savior niya, lubos-lubusin mo na."

I glance at the wall clock. It's almost twelve. "Kailangan ko na talaga kasing umalis Ma'am. Urgent lang."

Umikot ang mata ni Head Nurse. "Ah, urgent... Kaya ba nag-abscond ka kanina sa Medical Ward? Aba!"

I clear my throat. "About that... sorry po. My mom can be... a little too overreacting sometimes."

"Sometimes? Sure ka? Muntik nang ipatawag ng Mama mo ang TV Patrol mahanap ka lang. Gusto yata niya, iwanan ng lahat ng staff ang mga wards nila para mag-create ng search party para lang sa'yo. Daig pa code blue."

"Pasensya na po talaga."

Ibinaba ni Head Nurse ang mga hawak niyang chart sa station, sabay buntong-hininga. "Alam mo Mr. Richter, naiintindihan ko naman kung bakit nag-wiggle ng bongga ang nanay mo. Nagme-med ka pa naman. Dapat hindi mo na pinagha-high blood ang mga thunders."

I can't help but laugh. Sa tagal kong naro-rotate sa ER, ngayon ko lang narinig na ganito siyang magsalita. Kung naririnig lang ni Mama na tinawag siyang matanda ni HN, baka may naganap nang sabunutan sa ospital.

Tinapik niya 'ko sa balikat. "Ayusin mo buhay mo, ha?"

Tumango na lang ako.

Pagbalik ko sa cubicle ni Audra, gising na siya. Nilapitan ko siya. Dahan-dahang umupo sa tabi niya habang tinitingnan niya 'ko at tinitingnan ko rin siya. I feel like I should say something, but nothing comes to mind.

Ang awkward.

She clears her throat and slides herself up. "T-thanks... I guess."

A little laugh bursts out my throat. "Is it really you, or is it the Valium talking?"

"Ninety percent Valium. T-ten percent me." She tries to smile.

"Still, Auds," I say. "It's kinda refreshing hearing that from you."

Inirapan niya 'ko. "Ano pa ba'ng gusto mong sabihin ko? You're my hero? I owe you my life? Ang bait-bait mo?"

"Pwede na." Bago pa niya tuluyang makalimutan na may utang na loob siya sa'kin at maisipan niya 'kong sakalin, pinigilan ko na ang tawa ko. "By the way, papunta na pala dito 'yong Dad mo. Malamang malapit na 'yon."

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon