12 - Superman Complex (2 of 2)

3.5K 185 44
                                    

Is there hate in your heart?
Does your body drop
and tell you to stop loving you or loving me?
When it falls down
you just sing with me.

It doesn't take a rocket surgeon to know this isn't real. It's just a dream. A memory. And a bad one. I've tried so hard to forget it. I thought I already did. Pero minsan, may mga bagay na bumabalik whether we like or not.

I tell myself to wake up.

Pagmulat ko ng mata ko, nasa isang maliit na kwarto na ako. Kulay dilaw ang mga dingding. May isang fake na painting ng crocus sa harap ko. May papel na nakadikit sa gilid ng kama. Kinusot ko ang mga mata ko at binasa 'yon.

Vital signs monitoring chart.

Sabi ko na nga ba. Familiar ang kwartong 'to. Nasa hospital ako.

Bukod sa masakit ang ulo ko, wala naman akong nararamdamang kakaiba.

Bahagyang nakabukas ang pinto. Mula do'n, naririnig ko ang mga boses na mahinang nag-uusap.

"Is he going to be okay, Doctor?" si Niklaus 'yon. Siya lang ang may accent na akala mo kahapon lang siya natutong mag-English. "What's wrong with my son?"

"He had a panic attack, Mr. Richter," sagot ng isang boses na hindi ko kilala. Lalaki. Malamang doktor. "Has he been having symptoms lately?"

"What symptoms?" si Mama.

"May napansin ba kayong pagbabago sa behavior niya? It can be insomnia, loss of appetite, nightmares. Did he appear nervous or socially withdrawn these past few weeks?"

Natigilan sina Mama at Niklaus.

"If there's anything... anything at all, you can tell me," sabi ng doctor. "It would help your son a lot once we get to the bottom of this."

"W-well..." my mom starts shakily. "He used to have anxiety attacks in his teenage years. Pero after therapy, naging okay na siya. A-are you saying... umuulit ang sakit niya?"

I almost laugh. Sakit... sakit talaga?

"We can't tell for sure," sabi ni Doc. "It can be that he is under a lot of stress. May kaibigan akong psychiatrist. I can refer you to her for further evaluation."

"Yes, please Doctor," sagot agad ni Niklaus.

"Actually, she's here today. Gusto niyo ba siyang makausap?"

I close my eyes, waiting until they've all left. Tinanggal ko agad 'yong IV t'saka ko hinanap ang mga damit ko. Good thing, maayos na nakatupi lang ang mga 'yon sa sofa along with all my other stuff. Nagmamadali akong nagpalit at umalis.

Pababa na 'ko ng hagdan nang maisip ko na nasa school parking lot pa rin ang kotse ko. Sa halip na sa main entrance, I take the opposite corridor to the stairwell leading to the university. 'Yon kasi ang ginagamit na daanan ng mga estudyante at mga utility personnel.

Humihingal na 'ko pagdating ko ng school premises. Gabi na. I glance at my cell. It's almost eight. I have to get to our meeting place before Abbie does.

Saktong pababa na'ko ng Gate 4, nakita ko si Audra. Nakatayo siya sa harap ng isang banner sa catwalk.

We'll miss you, Sir Jed.

Ewan ko kung ano'ng masamang hangin ang nagtulak sa'kin na lapitan siya. Ang totoo, hindi naman na 'ko bad trip dahil sa pagsaboy niya ng kape sa mukha ko. If at all, I'm relieved na hindi siya si Dead Girl. Kung nagkataon, hindi ko masabi kung pipigilan ko ba siyang mag-suicide or baka ako pa ang mag-encourage.

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon